Hanggang ngayon ay hindi pa rin namamatay ang isyu patungkol sa paghihiwalay umano nina Toni Gonzaga at nobyo nitong si Paul Soriano. Madalas itong itanong kay Toni sa tuwing magkakaroon ng mahalagang kaganapan sa kaniyang career. Marami naman ang nagsasabi na mauuwi rin sa kasalan ang limang taong pagsasama nila ni Direk Paul. Unang kumalat ito sa Twitter kung kaya laking gulat ni Toni Gonzaga nang ang kaniyang mga malalapit na kaibigan ay kinausap siya patungkol umano sa paghihiwalay nila ni Paul Soriano. Ayon sa dalaga, maaaring nagsisimula namang kumalat ang ganitong balita dahil tahimik sila ng nobyong si Paul.
Hindi naman si Toni Gonzaga ang tipo ng tao na ma-deny sa mga isyu dahil hindi niya raw alam kung ano ang dahilan para magsinungaling siya sa mga tao. Mahirap din umano ang posisyon ni Toni dahil host siya ng isang showbiz-oriented talk show. Aniya, mahirap siya ng paniwalaan at mag-open up sa kaniya ang mga interviewee kung siya raw mismo ay hindi totoo sa kanila. Paglilinaw ng dalaga, wala naman umanong basehan ang mga balitang hiwalay na sila ni  Paul Soriano. Nasanay na rin daw siya na taon-taon na lang na may isyu silang hiwalayan ni Paul.
Kung hindi hiwalayan ay third party naman umano ang ibinabato kay Toni Gonzaga at Paul Soriano. Aminado naman si Toni na ang mga normal na bagay katulad ng oras, panahon, schedule at maliliit na bagay ang hindi nila pinagkakasunduan ng nobyong si Paul pero sanay na rin daw sila rito. Naniniwala si Toni Gonzaga na pareho nilang ginagawa ni Paul Soriano ang kanilang mga responsibilidad bilang magkasintahan para maging maganda at matatag ang kanilang relasyon. Hindi naman daw mawawala ang pagkakataon na may nauugnay kay Paul at inamin niyang nagseseslos din siya noong una. Nangyari lang naman daw ito noong unang taon ng relasyon ni Toni sa binata.
Noong nagsisimula pa lamang daw ang relasyon nina Toni Gonzaga at Paul Soriano ay mas apektado ang binata kapag nakakarinig ito ng balitang hiwalay na sila. Hindi nagtagal ay nasanay na rin ito dahil na rin sa industriyang pinasok ng kaniyang nobya. Naniniwala si Toni na kapag hindi nila pinansin ang mga isyu at hindi nagpaapekto ay hindi na sila masasaktan pa kung kaya ngayon ay tila manhid na raw sila ni Paul sa mga ito.
Nilinaw din ni Toni Gonzaga ang balitang pupunta sila ng ibang bansa ng nobyong si Paul Soriano para magbakasyon. Hiwalay daw itong nangyari dahil kasama ng dalaga ang pamilya nito samantalang ang direktor naman ay kasama ang Team Pacquiao. Sa Las Vegas na rin daw sila nagkita sina Toni at Paul bago pumunt ang host-actress sa New York. Nagkataon din na nagkaroon ng screening ang pelikulang ginawa ni Paul Soriano sa New York kung kaya nagkataon din talaga na nagkita sila ni Toni Gonzaga.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment