Inamin ng aktres na si Eda Nolan na hiwalay na sila ng kaniyang live-in partner at ama ng anak niya na si Gian Carlos. Mayroong apat-na-taong-gulang na anak sina Eda at Gian na si Andrei. Ngayong taon lang naghiwalay sina Eda Nolan at Gian Carlos matapos ang kanilang anim na taong pagsasama. Kilala ang aktres bilang isang Kapamilya star samantalang ang nobyo naman nito ay nakilala dahil produkto ito ng StarStruck Batch 3 ng GMA-7. Nang mabutnis si Eda ay gumawa ito ng ingay sa showbiz dahil nanggaling sila pareho ni Gian sa magkalabang network. Nagsimula silang magsama nang mabuntis si Eda Nolan kung kaya tumira sila ni Gian Carlos sa iisang tahanan para alagaan ang kanilang anak.
Pareho naman daw na naging desisyon nina Eda at Gian na tuluyan nang maghiwalay matapos ang ilang taong pagsasama. Hindi na raw sila nagkakasundo ng nobyo kung kaya napagdesisyunan nilang huwag nang magsama. Hindi na rin daw masaya sa ia’t-isa sina Eda Nolan at Gian Carlos kung kaya ayaw na nilang lumaki ang kanilang anak na nakikita silang away lang nang away. Masaya naman ang aktres dahil nang sabihin niya sa nobyo na maghiwalay na sila ay nirespeto naman ito ng ama ng kaniyang anak. Hindi na masaya si Eda sa mga nangyayari kung kaya wala na raw siyang rason para makipagbalikan pa kay Gian. Mananatili naman daw mga magulang sina Eda Nolan at Gian Carlos sa kanilang anak dahil pareho nilang mahal ang bata.
Itinanggi ng dalaga na third party ang dahilan ng kanilang paghihiwalay ng ama ng kaniyang anak. Maganda naman daw ang relasyon nila sa isa’t-isa dahil nanatili silang magkaibigan. Ipinaalam din ni Eda kay Gian na mag-aaral na ang kanilang anak ngayong taon para raw hindi isipin ng binata na binabalewala siya sa mga desisyon ng kanilang mga anak. Hindi naman daw obligadong magbigay si Gian Carlos dahil kung meron naman daw itong pera ay nagbibigay naman ito.
Nagbigay naman ng advice si Eda Nolan sa mga kabataang gustong magkaroon ng anak sa batang edad. Aniya, huwag raw magpadalos-dalos ang mga kabataan ngayon dahil mahirap ang buhay na hinaharap bilang isang batang ina. Sa usaping pag-ibig ay nagbigay din si Eda ng advice kahit pa kasalukuyan siyang hiwalay sa kaniyang nobyong si Gian. Iginiit ni Eda Nolan na makinig ang mga kabataan sa kanilang mga magulang dahil mas okay umanong umibig kapag handa ang tao hindi lamang sa emosyonal na paraan kundi pati sa pag-iisip. Hindi naman daw siya pinabayaan ni Gian Carlos nang simula na silang magsama sa iisang tahanan kasama ang kanilang nag-iisang anak.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment