Matapos ikasal nina Lara Quigaman sa binatang aktor na si Marco Alcaraz ay inamin ng beauty queen na hindi niya pa rin iiwan ang showbiz. Inamin nina Lara at Marco na ikinasal na sila noong 2010 sa Canada at ngayon ay inulit muli ang seremonyang ito para sa kanilang mga kaanak at mga malalapit na kaibigan sa Pilipinas. Para kay Lara Quigaman, isang sagot sa panalangin ang kanilang pagsasama ni Marco Alcaraz. Dumating umano sa buhay ni Lara si Marco sa panahong ipinagdasal niya ito kung kaya itinuturing niya ang sarili bilang maswerte dahil isang mabait na tao ang kaniyang nakilala at napangasawa.
Limang buwan nang buntis si Lara Quigaman sa kanilang panganay na anak ni Marco Alcaraz kung kaya wala na umanong balak mag-honeymoon pa ang bagong mag-asawa. Pareho rin silang may kaniya-kaniyang showbiz commitments sa ngayon kung kaya pareho silang abala sa kanilang mga trabaho. Ayon kay Lara, masuwerte umano sila ng asawang si Marco dahil patuloy pa rin silang binibigyan ng trabaho sa showbiz. Pagkatapos manganak ni Lara Quigaman ay wala pa rin daw siyang balak iwan ang kaniyang nakasanayang industriya dahil hanggat may trabaho ay hindi siya mawawala.
Matatandaang marami ang nabigla nang ibulgar mismo ni Marco sa kaniyang wedding vow na hindi na siya makapaghintay na lumabas ang supling nila ni Lara na pinangalanan nilang Noah. Limang buwang buntis si Lara Quigaman nang siya ay magpakasal kay Marco Alcaraz dalawang taon matapos nilang ikasal sa civil rites noon sa Canada. Nalaman niyang siya ay buntis nang umuwi siya galing Bhutan matapos ang kanilang shooting sa teleseryeng Princess & I. Ayon sa mga malalapit na kaibigan ng mag-asawa, kakaibang relasyon ang mayroon sa kanilang dalawa dahil pinahahalagan umano nila ang kanilang paniniwala sa Panginoon.
Sa mga wedding vows nina Marco Alcaraz at Lara Quigaman ay hindi sila nawalan ng mga pasasalamat sa Maykapal dahil binigyan sila ng pagkakataon na makasama ang isa’t-isa. Dating Katoliko ang aktor na si Marco ngunit nagdesisyon itong maging Born-again Christian para kay Lara. Hindi rin natapos ang dalawa sa pasasalamat sa isa’t-isa dahil hindi sila bumitiw sa kanilang relasyon. Masayang-masaya naman si Lara Quigaman dahil sa mga taong tumulong sa kanila ni Marco Alcaraz para matupad ang kanilang dream wedding.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment