Hindi pa rin namamatay ang balitang engaged na umano ang magkasintahang Iya Villania at Drew Arellano. Walong taon nang magkasintahan sina Iya at Drew at ayon sa mga espekulasyong lumalabas ay secretly engaged na ang dalawa. Ayon kay Iya Villania si Drew Arellano ang nagbibigay sa kaniya ng issue dahil kapag wala na umanong maitanong sa kaniya ang mga tao ay bumabagsak na lang sa pangangamusta sa relasyon nila ng binata. Itinanggi naman ng dalaga na kasal na sila ng kaniyang nobyong si Drew. Inamin naman ni Iya Villania na may plano silang magpakasal ng binata ngunit hindi pa raw ngayon dahil pareho na silang masaya sa kanilang kasalukuyang relasyon.
Ayon kay Iya, maaaring isipin ng marami na hindi sila seryoso ni Drew sa kanilang relsyon dahil umabot na ito ng walong taon at tila hindi pa rin nila napapag-isipang lumagay sa tahimik. Ipinaliwanag ni Iya Villania na ang walong taon nilang pagsasama ni Drew Arellano ay hindi basta-basta pero nagpapasalamat siya dahil masaya at maganda ang tinatakbo ng kanilang relasyon. Maging sa career ay kuntentong-kuntento na raw ang dalaga at iginiit na hindi niya umano kailangang mag-effort para gumawa ng isang isyu. Parehong aktibo sa showbiz ang magkasintahang Drew at Iya kung kaya hindi na muna nila minamadali ang isyu ng pagpapakasal dahil kinakailangan pa muna nilang magtrabaho.
Suportado naman ni Drew Arellano ang mga ginagawa ni Iya Villania kahit pa magkaiba sila ng istasyon na pinagtatrabahuan. Masaya rin ang binata dahil magaan lang din ang bagong show ni Iya kung saan hindi siya makakaramdam ng masyadong stress at pagod. Ikinuwento ni Iya kung paano sa kaniya nagsumbong noon ang nobyong si Drew noong ito ay nasa Wzzup Wazzu pa kasama sina Toni at Vhong. Na-frustrate raw noon si Drew Arellano dahil pakiramdam niya ay hindi siya nakakatawa kumpara sa kaniyang mga kasama. Ayon kay Iya Villania, hindi alam ng nobyo na nakakatawa ang kaniyang pagiging corny.
Hindi naman daw idedeny ng dalagang host kung sakaling mangyari na ang engagement nila ni Drew. Kapag nakita na umano ng mga tao si Iya na nakasuot ng singsing at hindi na pwede i-deny ang mga nangyari dito niya na umano sasabihin ang announcement. Ayon kay Iya Villania, maaaring dalawa o tatlong taon pang maghihintay ang mga tao sa engagement nila ni Drew Arellano. Bagamat ilang taon nang magkasintahan ang dalawa ay hindi pa rin daw nakakalimutan ni Drew na pakiligin si Iya. Aminado si Iya Villania na mababaw lang umano ang kaniyang kaligayahan kung kaya sapat na sa kaniya ang mga binibigay na unan, sporty attire at sneakers ni Drew Arellano.
0 comments:
Post a Comment