Inamin na ng binatang aktor na si Jake Cuenca na mayroon nang babaeng espesyal at nagpapasaya kaniya ngayon na nasa showbiz. Bagamat single ay kasalukuyan naman daw na nakikipag-date ang binata at malakas ang bulung-bulugan na ito raw ay ang dalagang si Lovi Poe. Noong isang taon ay matatandaang naugnay na sina Jake at Lovi matapos nilang magsama sa isang pelikula. Iginiit ni Jake Cuenca na wala siyang balak na madaliin ang kanilang oras ni Lovi Poe dahil pareho naman daw silang abala sa kanilang trabaho. Kahit pa hindi pinangalanan ni Jake si Lovi na babaeng kaniyang dinidate ay halata naman daw ito dahil madalas na magkasama ang dalawa.
Nilinaw naman ni Jake Cuenca sa kaniyang panayam na hindi niya pinagsisihan ang mga naging relasyon niya sa mundo ng showbiz. Alam naman umano ng binata ang mga nagawa niyang kasalanan at inisip niya na sana ay naging mature din siya sa mga panahong iyon. Nabanggit ni Jake na nakapag-move on na rin siya sa dati niyang relasyon bago pa siya pumasok sa isang espesyal na relasyon kay Lovi. Kung patuloy pa rin ang komunikasyon nina Jake Cuenca at Lovi Poe ay inamin ng binata na wala na silang komunikasyon ng kaniyang mga dating nakarelasyon.
Humingi na rin umano siya ng tawad sa lahat ng taong kaniyang nasaktan noon at umaasa siya na ang espesyal nilang pagkakaibigan ni Lovi Poe ay simula na ng magandang pagbabago. Marami rin umanong natutunan si Jake sa kaniyang mga nakaraang relasyon at isa na rito ang pagpasok sa isang relasyon. Aniya, kailangang alam ng isang tao ang kahulugan ng pag-ibig bago pa siya pumasok sa isang relasyon. Sa aspetong ito ay inamin ni Jake Cuenca na nagkamali siya at nagsisisi sa mga nagawang pagkakamali na nakasakit sa ibang tao.
Isang bagong pelikula ang pagbibidahan nila ni Lovi Poe kung kaya inaasahang lalo pang magiging malapit ang dalawa sa isa’t-isa. Ito na ang pangalawang beses na makakatrabaho nina Lovi at Jake ang isa’t-isa kung kaya hindi na umano sila makakaramdam ng pagkailang. Inamin naman ng dalagang aktres na si Lovi Poe na hindi pa siya handa pumasok sa isang relasyon pero para kay Jake Cuenca hindi niya naman daw minamadali ang dalaga. Mas mabuti na raw na ine-enjoy muna nilang dalawa kung ano ang mayroon sila sa kasalukuyan.
0 comments:
Post a Comment