Dalawang taon na ang nakakaraan nang magpakasal si Rica Peralejo sa pastor na si Joseph Bonifacio kung kaya nasa plano na umano ng mag-asawa ang magkaroon ng kanilang panganay na anak. Matatandaang nag-aral si Rica sa Ateneo ng kursong English Literature bago pa ito magpakasal kay Joe. Kamakailan lang ay nagtapos na si Rica Peralejo sa kursong ito at nagpapasalamat siya sa ibinigay na suporta at pagmamahal ng kaniyang pamilya partikular na ng asawang si Joseph Bonifacio. Bagamat balik-telebisyon pa rin si Rica matapos ang kaniyang kasal ay hindi siya madalas magkaroon ng proyekto dahil inuuna niya umano ang kaniyang pag-aaral. Pinaghahandaan ngayon ni Rica Peralejo ang muli niyang pagbabalik ng showbiz ngayong tapos na siya sa pag-aaral.
Sa ngayon ay nakakakain at nakakatulog na rin nang maayos si Rica Peralejo matapos ang ilang buwang pagpupuyat sa kaniyang thesis. Alam naman daw ng aktres na mahirap ang paggawa ng thesis pero tila doble umano ang hirap nito sa kaniya dahil misis na siya ni Joe at may mga responsibilidad na siyang ginagawa bilang isang asawa. Masaya naman siya dahil nararamdaman pa rin umano ni Joseph Bonifacio ang kaniyang pagiging asawa kahit pa abala ito sa kaniyang pag-aaral.
Balak kunin ni Rica Peralejo ang masteral studies sa Socilogical Science o Cultural Studies. Nagustuhan ito ni Rica dahil matutulungan umano siya nitong maintindihan kung ano ang tunay na paliwanag sa mga ginagawa ng mga tao. Bukod dito ay dahil na rin sa trabaho na ginagawa ng kaniyang asawang si Joe. Kilalang pastor si Joseph Bonifacio ng Victory Christian Fellowship kung saan madalas itong nakikisalamuha sa mga tao. Makakatulong din daw siya sa kanilang ministry ni Joseph Bonifacio lalo na sa paggawa ng polisiya at mga development studies.
Aktibo rin daw si Rica sa kanilang simbahan ni Joe lalo na at tapos na siya sa kaniyang pag-aaral sa kolehiyo. Para kay Rica Peralejo, malaki ang naitulong ng kaniyang pag-aaral sa kaniyang buhay. Aniya, malaking fulfillment ang pagtatapos niya dahil alam niya mismo na napunan niya na ang mga kulang sa kaniyang pagkatao. Masaya siya at katulong niya si Joseph Bonifacio sa paglampas ng isa sa mga pinakamahalagang kabanata sa kaniyang buhay.
Sa usapin namang showbiz ay hindi pa rin niya sinasarhan ang pinto niya sa mga bagong proyekto na pwedeng ibigay sa kaniya. Gusto rin daw ni Johnny Manahan na bigyan muna siya ng trabaho bago pa ito tuluyang magbuntis. Nasa plano na rin daw nila ni Joe ang magkaroon ng kanilang panganay na anak ngayong huling buwan ng taon. Pinigilan naman lang daw noon ang kaniyang pagbubuntis dahil nang ikasal siya noon kay Joseph Bonifacio ay kasalukuyan pa siyang nag-aaral. Ayaw naman daw ni Rica Peralejo na maapektuhan ang oras nila sa bata dahil lamang sa kanilang abalang schedule.
0 comments:
Post a Comment