Inamin ni Robin Padilla sa mga press na totoong pinagbawalan niya na ang asawang si Mariel Rodriguez na magtrabahong muli sa showbiz talk show ng TV5 na Paparazzi Showbiz Exposed. Matatandaang nasangkot ang pangalan ni Mariel sa insidenteng nangyari kung saan nagkaroon ng pag walk-out ang isa sa mga host ng programa dahil sa nabastos umano ito sa ginawang segment. Ang host na tinutukoy ay ang dating beauty queen na si Ruffa Gutierrez na hindi nagustuhan ang ibinigay sa kaniyang surpresa ng sariling programa.
Para kay Robin Padilla, mahirap daw ang sitwasyon ni Mariel Rodriguez lalo na at may asawa na siya.
Minsan lamang daw lumabas si Mariel at tila hindi pa maganda ang naging resulta nito para kay Robin. Bagamat hindi naman madadamay si Mariel Rodriguez sa gulong ito dahil guest co-host lamang siya noon ay gusto pa rin iwasan ni Robin Padilla ang mga ganitong pangyayari. Hindi naman daw malabo na mangyari pa ito at natatakot siya na sa asawa mismo mangyari ang ganitong sitwasyon. Tinanong rin daw ni Robin noon kung palagay si Mariel sa bago nitong programa at nang sabihin nito na masaya naman siya sa kaniyang makasama ay nanahimik na aktor dahil gusto niyang maging masaya ang asawa.
Naramdaman na rin daw umano ni Robin Padilla na tila may problema nga sa programa ni Mariel Rodriguez dahil siya mismo ay nanood nito. Wala pang ilang oras ay lumabas na ang naturang isyu sa naturang programa. Matagal na raw sinasabi ng action star sa kaniyang misis na huwag na itong mag-showbiz talk show para makaiwas na sa mga intriga. Lumalabas ang mga espekulasyon na maaaring gawing regular host ng Paparazzi si Mariel. Okay lang naman daw ito kay Robin pero ayaw niyang nasa loob ng studio ang asawa.
Hindi naman mapapanood si Mariel Rodriguez sa programa ngayong darating na weekend. Para kay Robin Padilla mahirap na umano makaaway ang ina ng sangkot sa gulo. Ayaw niya umanong magkaroon pa ng gulo ang pagsasama nila ni Mariel dahil matahimik na silang nagsasama. Ayaw din ni Robin na mahaluan pa ng kaaway sa showbiz dahil maliit lamang ang mundong ito. Sapat na rin daw para kay Robin Padilla na isa lamang ang programa ni Mariel Rodriguez lalo na at tinutulungan nila ang maraming tao.
Magdadalawang taon na ring kasal ang mag-asawa pero tila wala pa ring plano ang aktor na magkaroon ng anak sa kaniyang bagong misis. Ayon kay Robin, nasasayang naman daw siya sa kanilang honeymoon stage ni Mariel. Aminado si Robin Padilla na hindi niya na-enjoy ang buhay niya noon dahil nagkaroon agad siya ng anak na inaalagaan. Maging si Mariel Rodriguez ay nagtanong na rin kung kailan sila pwede magkaroon ng anak pero sinigurado niya naman daw dito na malapit na ang panahong hinihintay nito.
0 comments:
Post a Comment