Naging bukas na ang magkasintahang Andrei Felix at Venus Raj sa kanilang relasyon sa publiko ngunit hindi naman sila tinantanan ng intriga simula nang aminin nila ang kanilang pagmamahalan. Isa sa mga ipinupukol ngayon sa TV hosts na sina Andrei at Venus ay ang PDA o public display of affection daw nilang ipinapakita kapag sila ay magkasama. Marami raw kasi ang hindi kumportable kapag nakikita nilang sobrang naglalambingan ang mgakasintahan sa harap nila. Hindi naman itinanggi ni Andrei Felix na naririnig niya na rin ang mga usaping ito pero naninindigan siya na wala naman daw silang ginagawang hindi normal ng nobyang si Venus Raj kapag magkasama.
Sinigurado naman ni Andrei kay Venus na normal lamang daw ito isipin ng ibang tao dahil siya mismo ay iniisip din ito sa mga magkasintahan noong siya ay single pa. Sa morning show na Umagang Kay Ganda nagkakilala at nagkatrabaho ang magkasintahan at dito na rin nahulog ang ang kanilang loob sa isa’t-isa. Â Naiintindihan na rin naman ngayon ni Andrei Felix ang sitwasyon nila ng kaniyang kasintahan lalo na at maaaring makaapekto ito sa kanilang trabaho kapag sila ay may personal na problema ni Venus Raj sa kanilang relasyon. Ayon kay Andrei, hindi naman daw maiiwasan ito dahil hindi naman lahat ng tao ay kaya nilang pasiyahin ni Venus.
Hindi itinanggi ni Andrei Felix na kapag may tampuhan sila ni Venus Raj ay kahit papaano ay naaapektuhan sila ngunit pinapag-usapan naman daw nila ng nobya ang aspetong ito. Bago pa nagkaroon ng relasyon ang dalawa ay pareho na silang nasa industriya at bahagi ng UKG. Hanggang ngayon ay hindi pa rin daw makapaniwala ang binatang si Andrei na nauwi na sa isang relasyon ang pakikipagkaibigan at pakikipagtrabaho niya sa 4th runner-up Miss Universe na si Venus. Malaking tulong din daw sa relasyon nina Andrei Felix at Venus Raj ang kanilang pagkakaibigan na nabuo bago pa magsimula sa isang relasyon. Walong buwan na raw ang magkasintahan at umaasa sila na sana ay tuloy-tuloy na ang kanilang magandang samahan.
Ayaw naman daw madaliin ni Andrei ang nobyang si Venus dahil kung tutuusin ay maganda ang tinatakbo ng career nito at alam niyang may maganda pang mapupuntahan ang kinabukasan nito sa kaniyang napiling career. Pinagmalaki rin ni Andrei Felix ang rating ng Maalaala Mo Kaya episode ni Venus Raj kung saan ang beauty queen mismo ang gumanap sa kaniyang karakter. Ipinakita rito ang naging buhay noon ng dalaga bago pa siya sumali sa Miss Universe hanggang siya ay nanalo rito. Marami ang napahanga kay Venus dahil bukod sa pagiging host nito ay nakitaan din daw ito ng galing sa pag-arte. Sinabi rin daw ni Andrei na pwede rin daw pumasok ang nobya sa teleserye dahil magaling naman daw ito umarte.
Nakita na rin daw ni Andrei Felix sa katauhan ni Venus Raj ang babaeng gusto niyang pakasalan at makasama sa panghabang buhay. Hindi na rin naman daw bumabata si Andrei at hindi siya pumasok sa isang relasyon para lamang makipaglokohan. Nakilala na rin daw ang dalaga ng mga magulang ng binatang host at maging ang mga kaibigan nito ay nakilala na rin daw ng kaniyang nobya. Aminado si Andrei Felix na iniisip niya na rin ang kanilang hinaharap ni Venus Raj kung kaya nagsisimula na rin daw siyang mag-ipon at magplano para sa kanilang kinabukasan.
0 comments:
Post a Comment