Marami ang ang-akala na hindi magpapansinan si Kris Aquino at Valenzuela councilor Shalani Soledad nang magpang-abot ang dalawa sa relief operations na ginanap sa lungsod na isa sa mga nasalanta ng baha dulot ng habagat sa bansa. Matatandaang ang konsehala ang dating nobya ni Pres. Noynoy Aquino na nakakatandang kapatid ng Queen of All Media. Kamakailan lang ay bumisita rin ang kuya ni Kris sa lungosd kung saan nag-krus din ang kanilang landas ng dating nobya na si Shalani. Sa isang panayam kay Shalani Soledad ay nabanggit nito na nagagalak siya sa pagbisita ni Kris Aquino sa kanilang lugar. Kasama ni Kris ang dalawang artista na sina Angel Locsin at Iza Calzado na tumulong sa pamimigay ng relief goods sa mga biktima ng baha.
Agad na sinalubong ni Shalani at iba pa niyang kasamang opisyal ang pagdating ng Kapamilya stars. Magkasamang nag-abot ng relief goods sina Shalani Soledad at Kris Aquino kung kaya marami ang natuwa sa personal na pakikibahagi ng dalawa sa mga biktima. Kitang-kita ang mga ngiti sa mga pamilya na nabigyan ng tulong nina Kris at iba pa nitong kasama. Ito ang pangalawang pagkakataon na nagkasama ang dalawa na nakita ng publiko. Matatandaang noong magkasintahan pa lamang si Shalani Soledad atang kapatid ni Kris Aquino ay nagpaunlak na ang konsehala ng isang panayam kung saan ang Queen of All Media mismo ang nagbigay ng mga katanungan sa dalaga.
Nang tanungin naman si Kris patungkol sa pag-endorso niya kay Shalani sa darating na eleksyon ay sinabi nito na gusto niyang palitan ang kabaitang ipinakita sa kanila ng konsehala. Sigurado naman daw si Kris Aquino na hindi na kailangan ni Shalani Soledad ng kaniyang endorso mula sa kaniya dahil kitang-kita naman umano na mahal na mahal siay ng kaniang mga kababayan bilang isang public servant. Natawa naman ang host nang tanungin kung papayag daw ba siyang maging ninang ng magiging anak ni Shalani sa hinahrap. Aminado si Kris Aquino na awkward ang sitwasyong ito ngunit ang hiling niya lamang ay ang magandang hinaharap ni Shalani Soledad at ng kaniyang asawa. Payag naman ang konsehala na kuning ninang ang kapatid ng dating nobyo kung papayag ito.
0 comments:
Post a Comment