Aminado ang binatang si Gab Valenciano at host na si Coleen Garcia na exclusively dating ang kasalukuyang estado ng kanilang relasyon. Ayaw namang aminin pareho nina Gab at Coleen kung sila na nga o hindi. Iginiit ni Gab Valenciano na kung ano ang mayroon ngayon sa relasyon nila ni Coleen Garcia ay masayang-masaya silang dalawa. Madalas din umanong lumabas na magkasama ang dalawa at itinangging may itinatago sila sa publiko. Ayaw naman daw lagyan ni Gab ng label ang kanilang estado dahil mas mahalaga na pareho silang masaya ni Coleen. Lumalabas naman daw magkasamang lumabas si Gab Valenciano at Coleen Garcia kung kaya alam nila na nakikita sila ng mga tao.
Halata naman sa binata at host na iniiwasan nilang aminin ang kanilang relasyon sa publiko. Dinaan na lamang ni Gab sa pagbibiro ang kaniyang pahayag patungkol dito at sinabing, âweâre exclusively each otherâs personal belonging.â, at sinundan ng tawanan ng dalawa. Tinanong naman si Coleen Garcia kkung nakikita niyang magtatagal ang kanilang relasyon ng napapabalitang nobyo ay sinagot naman nito na hindi naman daw siya papasok sa isang relasyon kung hindi siya naniniwala rito. Masayang-masaya naman daw ang dalaga sa piling ni Gab Valenciano kung kaya umaasa siya na ito na raw ang matagal niyang hinihintay.
Paliwanag ni Gab, lahat naman daw na taong inlove ay mararamdaman ang kanilang nararamdaman bilang isang normal na tao. HIndi naman daw nila inasahan ni Coleen ang ganitong pangyayari. Sa ngayon ay masaya raw talaga si Gab Valenciano dahil nararamdaman niya ang inspirasyon na nanggagaling kay Coleen Garcia. Mas secured na rin daw ang pakiramdam niya at lalo pang naging mas masipag sa kaniyang trabaho. Ang mga kahinaan umano ni Gab ay nagawa ni Coleen na paghugutan ng lakas ng binata kung kaya isa umanong malaking biyaya ang kanilang pagsasama. Itinuturing din daw ni Gab Valenciano bilang isang best friend si Coleen Garcia.
Hindi naman daw mahalaga kay Coleen ang reputasyon ni Gab bilang isang babaero dahil aniya mas kilala niya raw ang binata kung kaya alam niya kung ano ang totoo. Noon daw ay nag-iingat talaga si Coleen Garcia sa pagpasok sa isang relasyon pero dhail mas kilala na raw ngayon ng dalaga si Gab Valenciano ay hindi naman daw siya nakakaramdam ng takot sa kanilang samahan. Matagal nang magkakilala si Coleen at Gab kung kaya wala na raw pagdududa ang dalagang host sa pagkatao ng napapabalitang nobyo. Dalawang taon na ang nakakaraan nang unagn magkakilala si Coleen Garcia at Gab Valenciano at simula nang maging malapit sila sa isa’t-isa ay nakilala niya na ang totoong pagkatao ng binata.
0 comments:
Post a Comment