Hindi itinanggi ni Julia Montes na boyfriend material ang kaniyang kasalukuyang manliligaw na si Enchong Dee. Magkasama ngayon ang dalawa sa kanilang bagong pelikula na pinamagatang The Reunion. Ito ang unang pagkakataon na magsasama si Julia at Enchong sa isang pelikula. Bukas naman ang binatang si Enchong Dee sa usaping panliligaw nito kay Julia Montes pero nilinaw naman niya na hihintayin niya pang maging 18 taong gulang ang dalaga bago pa seryosohin ang kaniyang panliligaw. Pitong buwan na lamang ay ipagdiriwang nani Julia ang kaniyang debut at sinasabing papayagan lamang daw ang dalaga na makipagrelasyon kapag ito ay nasa legal na edad na.
Madalas na nagsasalita si Enchong Dee sa media patungkol sa kaniyang panliligaw kay Julia Montes pero ngayon ay unti-unti na ngang nagiging bukas ang dalagaga patungkol sa kanilang tunay na estado. Ayon kay Julia, hindi naman daw niya sinasabing walang pag-asawa si Enchong dahil hindi naman niya pinagdududahan ang intensyon nito. Bukod umano sa pagiging mabait ni Enchong Dee ay may pinag-aralan din ito at mabait ang pamilya. Tiniyak naman ni Julia Montes na magiging mabuting boyfriend ang binata at mayroon naman daw talaga itong pag-asa na kaniyang maging nobyo.Sa hiwalay na panayam kay Enchong ay nabanggit nito na hindi naman daw magiging malalim ang kanilang relasyon ngayon ni Julia kung hindi niya naitaan ng pag-asa ang kaniyang pagpapakita ng effort sa panliligaw. Aniya, hindi naman daw magkakaroon ng magandang samahan kung hindi naman daw siya nagpahiwatig. Aminado si Enchong Dee na kaya niya pang maghintay para kay Julia Montes dahil wala naman siyang pagsisisihan kung gagawin niya ito. Handa umanong maghintay si Enchong na makatuntong na ng 18 taong gulang si Julia pero hindi alam  ng binata kung pagdating ng araw na ito ay sasagutin na siya ng dalaga o mas magiging bukas na siya sa kaniyang panliligaw sa dalaga.Hindi naman nakasagot si Enchong Dee nang tanungin siya kung mahal na ba niya ang dalagang aktres na si Julia Montes. Katwiran ni Enchong, ang kanilang relasyon ngayon ni Julia ay patuloy na umuusbong at lumalalim pa kung kaya wala pa raw sila sa estado ng pagiging magkasintahan. Sapat na rin daw para kay Enchong Dee at Julia Montes ang kanilang kasalukuyang turingan bilang espesyal na magkakaibigan dahil hindi naman daw sila nagmamadali sa aspetong ito. Kasalukuyang abala ang dalawa sa kani-kanilang mga career dahil pareho silang aktibo sa telebisyon at pelikula.Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment