Marami ang nakahalata sa tila malungkot at seryosong mood nina Enchong Dee at Julia Montes sa naganap na press conference ng kanilang pelikula na The Reunion. Kasama rin ng dalawa ang iba pang Star Magic talent sa naturang proyekto. Nanibago umano ang ilang press sa mga seryosong sagot ni Enchong sa ilang katanungan samantalang si Julia naman ay napaghalataang malungkot sa buong oras ng presscon. Kahit hindi pa kinukumpirma nina Enchong Dee at Julia Montes na may relasyon na sila ay naunahan na ito ng balitang break na umano sila.
Ayon sa biata, mas maganda na raw ang hindi masyadong nagbibigay ng impormasyon patungkol sa ibang bagay dahil madalas ay unahan daw sila ng media. Pakiramdam ni Enchong ay binibigyan lang ng kulay ng iba ang kanilang magandang pagkakaibigan ni Julia. Mas mabuti na raw na huwag nang magpaapekto pa sina Enchong Dee at Julia Montes sa mga intriga dahil mas mahalaga pa rin ang kanilang personal na relasyon sa isa’t-isa. Itinanggi rin ni Enchong na totoo ang balitang may tampuhan sila ni Julia. Aniya, nasa press conference umano sila kung kaya kailangan nilang magseryoso para sa mga miyembro ng media.
Matagal nang bukas si Enchong Dee patungkol sa kaniyang tunay na nararamdaman para sa dalagang si Julia Montes. Aminado rin ito na habang tumatagal ay lalong nagiging matindi ang kaniyang nararamdaman sa dalaga. Nabanggit na noon ni Enchong na maghihintay siya kung kailan pwede nang ligawan si Julia at ito ay kung tumuntong na ang dalaga sa edad na 18. Sa darating na March 19, 2013 ang ika-18 na kaarawan ni Julia Montes kung kaya para kay Enchong Dee ay ilang buwan na lamang ang kaniyang hihintayin. Hindi naman alam ni Enchong kung sasagutin na siya ng dalaga sa mga oras na iyon pero si Julia na raw ang may hawak ng desisyon.
Hindi itinanggi ni Enchong Dee na nagpapahiwatig nga siya kay Julia Montes at kitang-kita na nag-e-effort ang binata para maghintay sa aktres. Ngayon lamang daw nakita ng mga tao na nagpakita ng ganitong interes si Enchong sa isang babae. Hindi naman daw mapaliwanag ng aktor ang pangyayaring ito dahil minsan ay nangyayari na lang ito. Minsan ay nararamdaman naman daw ng binata na sinusuklian ni Julia ang kaniyang mga pinapakita. Aniya, nilalagyan niya na lang ng meaning kahit minsan ay walang ibig sabihin.
Matatanggap naman daw ni Enchong Dee kapag dumating ang panahon na hindi kayang masuklian ni Julia Montes ang nararamdaman ng dalaga. Parang pelikula lamang daw ang buhay ayon kay Enchong kaya normal lamang na masaktan ang isang tao. Hindi pa raw alam ni Enchong Dee kung sino ang kaniyang magiging partner sa darating na Star Magic Ball. Masuwerte namang ituturing ng binatang aktor kung sakaling maging partner niya si Julia Montes sa espesyal na gabing ito.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment