Kinilig naman ang binatang si Kean Cipriano nang sabihin sa kaniya ng press na nabanggit ni Bangs Garcia na puwede niyang i-entertain bilang manliligaw ang Callalily vocalist. Tila hindi naman makapaniwala si Kean sa kaniyang narinig at nahalata pa lalo ang kasiyahan nito. Kasama ni Bangs ang binata sa kanilang pelikula na The Reunion na nagkaroon ng press conference noong July 31 sa Dolphy Theater ng ABS-CBN. Magkapareha rin sina Kean Cipriano at Bangs Garcia sa naturang pelikula kaya lalo pang naging interisado ang mga press sa kanilang samahan.
Wala namang takot na inamin ni Kean na sa cast ng kanilang pelikula ay may posibilidad na mainlove siya kay Bangs. Seryoso raw si Kean Cipriano sa kaniyang sinasabi dahil mas malapit pa raw ang binata kay Bangs Garcia kumpara sa ibang lalakeng artista na kasama niya sa pelikula. Sa isang hiwalay na panayam sa dalaga ay nabanggit nito na nakikita niya ang mga quality ng kaniyang ideal man sa katauhan ng binatang aktor. May takot umano sa Diyos, matalino at masarap kausap si Kean Cipriano kung kaya masayang-masaya si Bangs Garcia pag kasama ito.
Nagpasalamat naman si Kean nang mabanggit sa kaniya ang mga papuri ng dalagang si Bangs. Hangang-hanga raw si Kean Cipriano sa kagandahan ni Bangs Garcia. Dagdag pa rito ay ang kanilang pagkakaroon ng parehong zodiac sign. Napabilib din si Kean sa kakaibang personalidad ni Bangs kaya lalo pang lumaki ang kaniyang paghanga rito. Masaya rin daw sila pag nagkakaroon ng pagkakataon na makapagkuwentuhan dahil ang humor nila ay pareho.
Naghahanap lamang daw ng magandang timing si Kean Cipriano kung kailan niya pwedeng ligawan ang dalagang si Bangs Garcia. Hindi naman daw basta-basta pipilitin ng binata ang kaniyang intensyon dahil pareho silang abala sa kani-kanilang mga trabaho. Kasalukuyang gumagawa ng soap opera si Bangs at alam umano ni Kean kung gaano ito kahirap ang schedule ng isang may teleserye kukng kaya ayaw niya umanong maka-istorbo pa rito. Gusto rin linawin ni Kean Cipriano na hindi niya sinasabi ang paghanga kay Bangs Garcia dahil sa kanilang love team.
Masaya na raw si Kean dahil hindi naman umano pilit ang kanilang tambalan ni Bangs dahil maganda naman ang kanilang chemistry sa likod at harap ng kamera. Nagkataon lamang daw na sila ang ipinareha ng production kung kaya sinamantala na nila ang pagkakataon para magkakilala nang mabuti. May kissing scene din sina Kean Cipriano at Bangs Garcia sa pelikula pero itinanggi ng binata na nagkailangan sila ng aktres. Napag-usapan na rin naman daw ito nina Kean at Bangs kung kaya wala silang problema rito.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment