Natutuwa naman ang binata na si Paul Salas nang inihayag ng PBB Big Winner na si Myrtle Sarrosa na ang aktor ang crush nito sa showbiz. Napanood daw noon ni Paul si Myrtle sa PBB at napag-usapan nila ng kaniyang mga kaibigan kung sino ang pinakamaganda sa reality show at pinili niya noon ang dalaga. Naniniwala raw si Paul Salas na mananalo si Myrtle Sarrosa sa PBB Teen Edition kung kaya nang mangyari ito ay masayang-masaya ang binata. Kamakailan lang ay nagkita na ang teen housemate at si Paul sa isang taping. Ang lakas daw ng appeal ni Myrtle para kay Paul kung kaya lalo pang humanga ang binata sa cosplayer.
Naging maganda na rin daw ang samahan nina Paul Salas at Mrytle Sarrosa dahil gumawa na sila ng mga plano para makapag hang out matapos ang kanilang guesting sa sitcom na Toda Max. Balak daw mag-bowling ng dalawa sa Eastwood dahil gusto nilang mag-bowling dahil pareho silang mahilig sa larong ito. Makakasama raw ng dalawa ang mga kaibigan ng binta at excited na si Paul na bilhan si Myrtle ng ice cream. Ito raw kasi ang pinaka na-miss ni Myrtle Sarrosa nang ito ay pumasok sa Bahay ni Kuya. Umaasa si Paul Salas na magiging maganda ang samahan nila bilang magkaibigan ng dalaga lalo na at nabigyan na sila ng pagkakataon na makilala ang isa’t-isa.
Halos tatlong taon ang tana ni Mrytle kay Paul pero wala naman daw sa isip ng aktor na manligaw sa ngayon dahil batang-bata pa umano siya para rito. Pero hindi naman daw ibig sabihin nito ay hindi na kinokonsidera ni Paul Salas ang ideyang panliligaw kay Myrtle Sarrosa. Dinepensahan din ng binata ang kaniyang bagong kaibigan mula sa kaniyang mga detractors. Simula nang manalo si Myrtle sa reality show ay marami na ang mga lumalabas na haters nito partikular na sa Internet. Kasalukuyang inuugnay ang dalaga sa kaniyang housemate na si Yves Flores na sinasabing masugid na manliligaw ng dalaga. Naniniwala si Paul Salas na isang mabuting tao si Myrtle Sarrosa kung kaya hindi siya naniniwala sa mga sinasabi ng ilan patungkol sa dalaga.
0 comments:
Post a Comment