Marami ang nakapansin sa pagiging blooming ng dalagang si Sarah Lahbati kung kaya biniro siya ng mga press kung si Richard Gutierrez ba ang dahilan kung bakit maganda ang kaniyang aura ngayon. Maugong ang balitang nililigawan umano ni Richard ang dalagang si Sarah na kaniyang leading lady sa primetime series na Makapiling Kang Muli. Pinasinungalingan niya rin ang mga balitang binabakuran na umano siya ng binata kahit saan man siya magpunta at kahit ano ang kaniyang ginagawa. Kamakailan lang ay naging guest si Sarah Lahbati sa programa ni Richard Gutierrez na Pinoy Adventures na kinunan pa sa Bukidnon. Nagualat din daw si Sarah nang sabihan siya na magiging guest ito sa naturang programa ng kaibigang si Richard.
Aminado si Sarah Lahbati na nahirapan siya sa kanilang mga ginawang adventure ni Richard pero nag-enjoy naman daw sa bagong experience. Maganda ang samahan ng dalawa sa likod at harap ng kamera dahil nagkakasundo umano ang ugali nila ng aktor. Magkasama raw silang pumupunta sa Muay Thai classes at pareho rin silang mahilig mag travel kahit dito lamang sa Metro Manila. Marami rin daw common friends sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez kung kaya madalas silang magkasama sila sa mga party.
Noong birthday rin daw ng nakakatandang kapatid ng aktor na si Ruffa Gutierrez ay pumunta ang dalagang aktres dahil inimbita siya mismo ni Richard. Ayaw naman magsalita ni Sarah patungkol sa pagpayag ng pamilya ni Richard sa kanilang espesyal na relasyon. Aniya, ayaw niya namang isipin na boto agad ang mga ito dahil baka sabihin na mayroon nga talaga silang relasyon ni Richard Gutierrez. Pinuri naman ni Sarah Lahbati ang kabaitan ng pamilya ng aktor at nakilala niya na rin ang ina ng binata na si Annabelle Rama.
Dumalaw daw noon ang manager na si Annabelle sa set ng teleserye nina Richard at Sarah at nagdala ng sampung Lechong Cebu. Nagtataka naman daw si Sarah sa maling tingin ng iba sa ina ni Richard Gutierrez dahil napakabait at maalaga raw talaga ito. Nagustuhan naman ng 18-taong-gulang na si Sarah Lahbati sa kaniyang leading man ang pagiging mabait nito sa kahit sinong tao lalo na sa mga maliliit na miyembro ng production. Napaka propesyal din umano ni Richard ayon kay Sarah kung kaya mahal na mahal siya ng mga taong nakapaligid sa kaniya.
Wala pa naman daw regalong naibibigay si Richard Gutierrez kay Sarah Lahbati dahil madalas daw itong magdala ng mga pagkain sa set para sa lahat ng miyembro ng production. Kinumpirma naman ni Sarah na nasa getting-to-know-each-other stage pa lamang sila ni Richard dahil gusto pa umano nilang makilala ang isa’t-isa nang mabuti. Nakilala na rin daw ni Richard Gutierrez ang ama ni Sarah Lahbati nang umuwi ito galing Switzerland.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment