Masaya si Gary Valenciano dahil bukod sa kaniyang bagong proyekto ay inaabangan na ng buong pamilya ang pagpapakasal ng kaniyang panganay na si Paolo Valenciano. Kamakailan lang ay nag-propose ang binatang si Paolo sa kaniyang lontime girlfriend na si Samantha Godinez sa mismong concert ni Gary Valenciano sa California, USA. Napabilib naman si Gary V sa kaniyang panganay na si Paolo dahil halos anim na taon ang itinagal ng relasyon nito sa kaniyang nobya na ngayon ay kaniya nang fiancee. Ayon sa Mr. Pure Energy Gary Valenciano, naging maganda ang pagpapalaki niya sa kaniyang anak na si Paolo Valenciano at aminado siyang malaki ang nagawa ng kaniyang asawa na si Angeli rito. Bilib na bilib din ito sa pagpapalakad ng panganay sa kaniyang sariling buhay kung kay nagpapasalamat siya sa asawa dahil napalaki nang maayos ang kanilang tatlong anak.
Sa ngayon ay wala pa ring napipiling petsa ng kasal si Paolo at nobya nito pero maaaring maganap ito sa first quarter ng susunod na taon, pagkukumpirma ni Gary. Nag-uusap pa rin daw si Paolo Valenciano at girlfriend nito sa iba pang mga detalye ng kanilang kasal. Sigurado naman daw si Gary Valenciano na magaganap ang pagpapakasal ng panganay sa Pilipinas. Tinitingnan na rin ni Paolo ang Cebu na maaaring isa sa kaniyang pagpipiliing lugar. Maaaring sa pagkatapos na lamang daw ng kasal ibabahagi ng pamilya ang mahalagang okasyon. Editor si Paolo Valenciano kung kaya maaaring magbigay ng footage ang binata sa media. Ayon kay Gary, tahimik na binata ang kaniyang anak ngunit malalim daw ito kung mag-isip pero sa ngayon ay hindi pa niya alam kung gusto mag-imbita ng anak ng media sa araw ng kaniyang kasal.
Pagbibigayan daw ni Gary Valenciano ang anak dahil ito ay kaniyang espesyal na araw at gusto nila na masunod ang mga plano nito para sa kaniyang ikasasaya. Hindi pa rin daw nakakagawa ng listahan ng ninong at ninang si Paolo Valenciano at fiancee nito pero nasa proseso na sila ng pagpaplano. Excited na rin daw si Gary para kay Paolo dahil alam niyang marami na itong natutunan sa kaniyang buhay. Matalino at mapagkumbaba umanong binata ang anak kung kaya walang duda na maraming nagmamahal sa kaniyang anak. Tama rin daw ang desisyon ni Paolo Valenciano sa pagpili ng tamang babae dahil para kay Gary Valenciano ay isang napakabuting bata ang mapapangasawa ng kaniyang panganay.
Masaya si Gary V dahil sinunod ni Paolo ang kaniyang advice noon sa anak patungkol sa pagkakaroon ng karelasyon. Nabanggit daw noon ni Gary Valenciano na bago umano ito magkaroon ng girlfriend ay siguraduhin muna na bumuo ng pagkakaibigan sa pagitan nilang dalwa dahil kapag nawala umano ang isang girlfriend ay maaaring mawawalan din ng kaibigan si Paolo Valenciano. Hindi raw bumitiw ang magkasintahan sa oras ng kanilang mga pangangailangan bilang magkaibigan at magkasintahan kung kaya naging maganda ang relasyon ng dalawa.
0 comments:
Post a Comment