Kakaibang love team ang mayroon si Kiray Celis at Igi Boy Flores sa kanilang teen-oriented show na Luv U sa Kapamilya network. Sila raw ang nagsisilbing comic relief sa kanilang programa dahil madalas silang mag-away sa show. Marami rin ang nakakapansin na parang tinototoo na raw nina Kiray at Igi Boy ang kanilang pagsasakitan sa set. Trabaho lamang umano ang ginagawa ng dalawa sa set kung kaya hindi na nila dinadaya ang sampalan at sabunutan para ito raw ay mas makatotohanan. Mas sanay din daw ang binatang aktor sa kanilang pagsasakita n ni Kiray Celis kumpara sa kanilang pagiging sweet sa isa’t-isa.
Mahal na mahal umano ni Kiray Celis si Igi Boy pero bilang kaibigan lamang daw. Matatandaang parehong Goin’ Bulilit alumni ang dalawa kung saan sila nagkasama ng matagal. Wala rin umanong malisya ang pagsasama nila ni Igi Boy Flores dahil sa tinagal ng kanilang pagsasama sa trabaho ay kilala na nila ang isa’t-isa. Hindi naman naging direcho ang sagot ni Kiray nang tanungin ito kung posibleng magustuhan niya ang kaniyang leading man. Mabait naman daw si Igi Boy kumpara sa iba nitong kaedad na lalake. Nakitaan din umano ni Kiray Celis ng sensiridad ang binata dahil seryoso umano ito sa kaniyang mga ginagawa bilang isang aktor. Sa ngayon ay masaya na ang dalagang komedyante sa tinatakbo ng kaniyang career lalo pa at nabigyan siya ng mabait ng partner on-screen.
0 comments:
Post a Comment