Matapos lumabas ang mga espekulasyon patungkol sa totoong estado ng magkasintahang Maja Salvador at Matteo Guidicelli ay kinumpirma na mismo ng aktres ang kanilang paghihiwalay. Ang pag-aming ito ay sinagot ni Maja sa katanungan ni Kris Aquino patungkol sa kaniyang kasalukuyang lovelife. Una nang lumabas ang balitang ito nang mag-post si Maja Salvador ng tila may makahulugang mensahe patungkol sa pakikipagrelasyon. Karamihan dito ay patungkol sa pakikipaghiwalay at pagiging single kung kaya marami ang nag-isip na maaaring tapos na ang relasyon nito kay Matteo. Ang paglagay ni Maja sa kaniyang Facebook status ng single mula in a relationship ang isa na sa naging paraan nito para kumpirmahin sa mga tao na wala na nga sila ng boyfriend.
Ipinaliwanag naman ni Maja Salavador na hindi third party ang dahilan kung bakit sila naghiwalay ni Matteo Guidicelli. Aniya, pareho raw nila itong naging desisyon ng binata at sa ngayon ay magkaibigan naman daw ang kanilang turingan. Mas gusto raw unahin ngayong nina Maja at Matteo ang kanilang mga prayoridad sa buhay at ito ay ang kanilang mga trabaho. Bukod sa kaniyang career ay abala rin ngayon si Matteo Guidicelli sa kaniyang pagsali sa triathlon na kinakailangan ng matinding training. Sumasali na sa kumpetisyon ang binata sa iba’t-ibang lugar kung saan kinakailangan niyang magsanay hindi lamang sa pagtakbo kundi pati na rin sa biking at swimming.
Alam naman daw ni Maja Salvador na malaking oras ang kinakailangan para sa training ng binata at maging ang career din umano ng aktres ay kinakailangan din ng oras. Aminado si Maja na hirap sila ni Matteo na balansehin ang kanilang oras para sa isa’t-isa. Kinumpirma noon ni Maja Salvador ang kaniyang relasyon kay Matteo Guidicelli noong nakaraang taon kung saan nagkaroon ng kaguluhan sa pagitan ng athlete turned actor at ng binatang si Coco Martin na leading man ng aktres sa dati nitong teleserye.
Una nang itinanggi ni Matteo ang patungkol sa hiwalayan nila ni Maja at sinabing wala silang problema ng dalaga kahit pa naging maingay na ang pagpapahayag ng dalaga sa kaniyang Instagram. Kahit pa pinasinungalingan ito noong aktor ay halata namang hindi niya masagot nang diretso ang katanungan sa estado ng kanilang relasyoin ng dalaga. Marami ang nagulat sa bagong anyo ni Matteo Guidicelli ngayon dahil bukod sa pagiging tan ay malaki rin ang ipinayat noon dahil na rin daw training nito. Nabanggit pa ni Maja Salvador na sinasabayan niya pa ang nobyo sa pag-traning para lamang magkaroon sila ng oras na magkasama.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment