Isa lamang ang binatang aktor na si Gerald Anderson sa mga maraming artista na tumulong sa mga nasalanta ng baha sa bansa kamakailan lang. Una noong hinangaan si Gerald nang maging bayani siya sa ilang naging biktima ng bagyong Ondoy noong taong 2009. Ngayon ay hinarap na naman ni Gerald Anderson ang hindi naging magandang nangyari sa ilan sa mga kababayan natin sa pamamagitan ng pag-volunteer nito sa relief operations ng Red Cross. Hinikayat din ng binata ang ilan nitong mga kaibigan na makisali sa pag-donate nila sa Red Cross dahil sa mga dumaraming biktima at mga nasalanta ng baha dulot ng magdamag na pag-ulan dala ng habagat.
Ayon sa handler ni Gerald, agad umanong tumulong ang aktor matapos ang kaniyang paghingi ng tulong sa binata noong kasagsagan ng malakas na ulan. Kararating lamang din daw ng mga panahong iyon ni Gerald Anderson sa relief operation ng Red Cross nang malaman niyang kinakailangan ng handler na si Nhila Mallari na umalis sa kanilang tahanan sa Cainta, Rizal para pumunta sa mas ligtas na lugar. Hindi na nagdalawang-isip pa ang binata at pumunta na agad sa tahanan ng handler para ito ay iligtas. Pinasalamatan ni Nhila ang mga kasama ni Gerald Anderson na tumulong sa kaniya dahil bukod sa pagiging volunteer nito sa Red Cross ay matapang na hinarap ng aktor ang baha sa kalsada ng Cainta para lamang iligtas ang kaibigan nito.
Agad na kumalat ang mga litrato ni Gerald sa Internet na sumusulong sa baha at tumutulong sa mga bata. Marami naman ang mga tagahanga ni Gerald Anderson ang lalo pang napabilib sa ginawang pagtulong nito sa pamamagitan ng Red Cross at sa katapangang ipinakita nito sa pagsundo niya sa kaniyang handler. Sa Twitter ay ibinigay ng mga ordinaryong tao at mga tagahanga ng aktor ang kanilang pagkabilib at pasasalamat sa katapangang ipinakita nito sa panahong marami ang nangangailangan.
Matatandaang lumabas din ang mga litrato noon ng binata kung saan lumangoy ito sa malalim na baha para lamang magligtas ng mga kapit-bahay na nangangailangan ng tulong. Ang pamilyang natulungan noon ng aktor ay napabilib sa kakaibang katapangan nito. Hindi lamang daw magaling si Gerald Anderson sa telebisyon dahil napatunayan nito na kahit wala pang mga kamera sa paligid ay hindi ito magdadalawang-isip na tumulong sa mga taong nasalanta. Kahit pa biktima noon si Gerald ng Ondoy ay hindi ito nagpapigil sa kaniya para magbigay ng sapat na tulong sa iba pang mas naapektuhan ng delubyo.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment