Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si John Arcilla na kasama siya sa Hollywood action movie na The Bourne Legacy kung saan hinangaan siya ng kaniyang mga co-stars. Kitang-kita sa mukha ni John ang kasiyahan sa tuwing nababanggit niya ang kaniyang mga naging karanasan sa naturang pelikula. Nagkaroon ng pagkakataon si John Arcilla na makasama ang mga bida na sina Jeremy Renner at Rachel Weisz sa ilan nitong mga eksena. Excited na ang batikang aktor na mapanood ang The Bourne Legacy dahil nakakabilib daw na makikita niya sa isang Hollywood film ang kaniyang bansa at sarili. Napahanga rin si John sa eksena ng habulan ng motor na nagsimula sa Ramon Magsaysay Boulevard at natapos sa Navotas Fish Port. Aniya, ngayon lamang siya nakakita ng ganung eksena kung kaya napabilib talaga siya ng Bourne franchise.
Bukod sa pagkakasali ni John Arcilla sa international project na ito ay ipinagmalaki niya rin ang bansang Pilipinas kung saan kinunan ang karamihan sa mga eksena. Ngayon lang ulit nagkaroon ng mainstream na pelikula kung saan nagkaroon ng mahabang exposure ang Metro Manila. Napahanga rin si John sa Manila dahil hindi siya makapaniwala na magiging maganda ang kinalabasan nito. Gusto rin daw ipaalam ni John Arcilla na ang mga kinunan na eksena sa The Bourne Legacy kung saan nakikita ang mga mahihirap na lugar ay hindi nakakatakot. Pinakita rin sa pelikula ang Palawan kung kaya makikita ng marami ang dalawang parte ng bansa.
Sa ending umano ng pelikula ay ipinakita ang kagandahan ng bansa kung kaya nabawi ang mga ipinakitang mahihirap na bahagi ng Manila. Isang paraiso para kya John Arcilla ang ipinakita sa pelikula kung kaya ipinagmamalaki niya ang ating bansa. Gumanap bilang chief security guard ang aktor sa laboratory na pinagtatrabahuan ng karakter ni Rachel. Halos 12 oras ang naging eksena ni John sa The Bourne Legacy at hindi naman siya nabigo dahil magandang impresyon ang iniwan niya sa co-stars at direktor na si Tony Gilroy.
Kahit naging maikli lamang ang partisipasyon ni John Arcilla ay naniniwala pa rin siya sa kasabihang, “there is no small role, only small actors”, kung saan sinabayan niya ito ng tawa. Sa konting oras na nagtrabaho ang aktor sa pelikula ay nakilala niya ang mga Hollywood stars hindi bilang isang artista kundi bilang isang tao. Wala rin daw siyang nakitang star complex sa mga ito kahit pa alam nila na may malaki silang pangalan sa industriya. Alam naman ni John Arcilla na may senseridad ang ipinarating sa kaniya ng direktor at iba pang kasama kung kaya hindi niya ito makakalimutan.
Napag-usapan din ng aktor at ng Hollywood actress ang patungkol sa mga mahihirap sa bansa. Hindi sanay ang artista sa ganitong scenario dahil hindi niya ito madalas makita sa kaniyang bansa. Ayon kay John, ginagawan naman daw ng paraan ng gobyerno ang ganitong aspeto sa pmamagitan ng paglaban sa korapsyon. Nakita ni John Arcilla sa aktres na  nag-aalala ito sa mga mahihirap na kaniyang nakasalamuha. Nagbigay pa ang The Bourne Legacy star ng pera lang mapaayos ang playground sa San Andres, Manila. Natuwa naman ang aktor kay Jeremy dahil makwela raw ito kapag walang shoot.
0 comments:
Post a Comment