Bukod sa pagiging lead singer ng kaniyang banda ay pinasok na rin ni Kean Cipriano ang pag-arte. Ang pagbida sa The Reunion ay hindi lang ang unang pelikula na ginawa ni Kean. Matatandaang nakasama na rin siya sa Cinemalaya movie na Ang Babae sa Septic Tank at maging sa box-office hit na Praybeyt Benjamin. Ang The Reunion ay pelikula sa ilalim ng Star Cinema production na hango sa mga kanta ng Eraserheads na bagay na bagay naman sa binatang si Kean Cipriano bilang bokalista siya ng sarili niyang banda na Callalily.
Iba na rin daw ang karakter na ginagampanan ng binata sa The Reunion kumpara sa mga nagawa niya noon na mga proyekto. Ang pelikula ay binubuo ng magbabarkada kung saan kasama ni Kean ang tatlo pang mga artista. Ang Babae sa Septic ay isang satire na pelikula samantalang ang Praybeyt ay isang comedy. Masaya rin si Kean Cipriano at nakatrabaho niya ang mga magagaling na artista katulad nina Enchong Dee, Xian Lim at Enrique Gil. Umiikot ang istorya ng The Reunion sa paghahanap nina Kean at tatlo niya pang barkada ng kanilang tunay na kaligayahan at pag-ibig.
Excited na rin naman si Kean Cipriano sa magiging kalabasan ng pelikulang ito at nagpahayag na sa tulong din ng kaniyang mga kasama sa pelikula ay sigurado siyang magiging maganda ito. Sigurado rin daw si Kean na magiging proud siya sa The Reunion dahil talagang nag enjoy siya sa paggawa nito. Bagamat iba-iba ang mga karakter na ginampanan nila sa naturang pelikula ay hindi naman daw ito magagawa nang maayos kung hindi sa tulong ng tatlo sa mga bida. Para rin daw hindi nagtatrabaho sina Kean Cipriano dahil sa kanilang masayang set.
Ginawa raw talaga ni Kean ang mga kinakailangang gawin sa The Reunion tulad ng mga hinihingi ng kaniyang karakter. Gumaganap bilang isang masiyahin at kwelang binata si Kean Cipriano sa pelikula kung kaya hindi naman daw siya masyadong nahirapan sa pagganap nito. Dahil din sa pelikula ay inamin ni Kean na naging maganda ang kaniyang pakikipagtrabaho sa kaniyang leading lady na si Bangs Garcia. Hindi naman kinaila ni Kean Cipriano na sa lahat ng kaniyang mga nakasama sa The Reunion ay ang dalaga ang isa sa mga taong naging malapit sa kaniya.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment