Marami ang nakapansin sa pagiging masayahin ngayon ng singer na si Kris Lawrence at aminado naman ang binata na dahil ito sa kanilang magiging anak ng girlfriend na si Katrina Halili. Kamakailan lang ay lumabas ang balitang pagbasura umano ng korte sa kasong isinampa ng dalaga kay Hayden Kho. Hindi na raw ito masyadong iniintindi pa ni Kris dahil naniniwala siyang nasa bagong kabanata na sila ng kanilang buhay ni Katrina. Ngayong darating na September ay inaasahan nang manganganak si Katrina Halili sa kanilang panganay na anak ni Kris Lawrence. Hindi naman daw nakakalimutan ng R&B singer na paalalahanan ang sexy actress na magpahinga at huwag ma-stress sa mga panahong ito.
Nakahanda na rin ang pangalan na ibibigay ng magkasintahan sa kanilang panganay na anak. Ang napili nila ay ang “Katrence” na ipinagsamangn pangalan ni Katrina at Lawrence. Pinagsama umano ng magkasintahan ang pangalan nilang dalawa at mas gusto nila na unique ang pangalan ng bata. Hindi pa rin kumpleto ang mga gamit ng magiging anak nina Katrina Halili at Kris Lawrence dahil hinihintay nila ang baby shower. Ayon na rin daw sa suhestyon ng iba ay hindi na muna namila sina Kris ng mga gamit ng bata dahil sigurado raw na marami ang magbibigay sa baby shower na ibibigay kay Katrina.
First week umano ng September binabalak nina Katrina Halili magkaroon ng baby shower pero sa ngayon ay hindi pa nila naiimbitahan ang kanilang mga kaibigan. Mga malalapit lamang daw na kaibigan ng dalawa ang imbitado sa espesyal na okasyon at karamihan daw dito ay ang mga kaibigan ni Kris Lawrence sa Party Pilipinas kasama sina Jay-R, Mark Bautista, Rachelle Ann Go, Dennis Trillo, Mark Herras, Ynna Asistio, Jennylyn Mercado, at Geoff Eigenman.
Madalas na nasa bahay ngayon si Katrina Halili at inip na inip na rin daw ito dahil walang masyadong ginagawa. Sinusubukan naman daw ni Kris Lawrence na samahan ang girlfriend kapag siya ay may oras dahil naiintindihan niya ang nararamdaman nito. Inamin din ni Kris na minsan ay nagiging moody rin si Katrina lalo na sa kaniyang kalagayan. Hindi naman daw nauubos ang pasensya ni Kris Lawrence kapag nagkakaroon ng pagkakataon na nagsusungit si Katrina Halili. Madalas din daw kantahan ni Kris ang kaniyang anak sa sinapupunan ni Katrina. Hindi naman masagot ng binata kung kailan nila balak magpakasal ng nobya dahil mas prayoridad umano ang kanilang anak sa ngayon.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment