Marami ang nagulat nang lumabas ang balitang na-diagnose ang Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla ng Stage 1 kidney cancer. Nakitaan umano ng bukol sa kaniyang kidney si Zsa Zsa na kasing laki ng isang golf ball. Lumalabas na malignant ang bukol na ito na ikinalungkot ng singer. Ibinahagi ni Kris Aquino ang mahabang usapan nila sa text ng kaibigan sa kaniyang morning program sa ABS-CBN kung saan isinawalat nito na siya ay may kidney cancer. Bago pa kumalat sa publiko ang tunay na karamdaman ni Zsa Zsa Padilla ay alam na ito ng ilan niyang mga malalapit na kaibigan sa industriya.
Bago pa lumipad ng Los Angles ang singer-actress ay nagpahiwatig na ito na mayroon siyang karamdaman ngunit tumanggi nang sabihin pa ito sa publiko. Â Sa unang check-up pa lamang daw ni Zsa Zsa sa kaniyang doktor na si Dr. Larry Froch ay sinabi na sa kaniya na kidney cancer nga ang kaniyang sakit dahil sa pagiging malignant ng nakitang bukol. Ang kaniyang doktor ay espesyalista sa nephrology o internal medicine sa Cedars-Sinai Medical Center sa Los Angeles, California. Halos 3 centimeters ang laki ng kaniyang tumor at gusto ng doktor na tanggalin ito para tuluyan nang matanggal ang kidney cancer ni Zsa Zsa Padilla.
Kakailanganing operahan si Zsa Zsa para sa kaniyang kidney cancer at hindi na raw nito kinakailangan ng chemo o radiation dahil stage 1 pa lamang daw naman ito. Malaki ang pasasalamat ni Zsa Zsa Padilla dahil naagapan ang kaniyang sakit at nakita agad ng doktor ang pwedeng gawin dito. Sasailalim sa isang Laparoscopic surgery ang singer sa loob ng dalawang araw para matanggal na ang kaniyang kidney cancer. Ayon naman kay Zsa Zsa, matapos ang isang linggo ay pwede na siyang umuwi sa bansa at matapos ang isang buwan ay pwede nang bumalik sa kaniyang trabaho.
Matapos ang anim na buwan ay kinakailangan nang bumalik ni Zsa Zsa Padilla sa Amerika para sa kaniyang follow-up at titingnan kung naging maganda ang resulta ng operasyon para sa kaniyang kidney cancer. Sa darating na Agosto 27 ay naka-schedule na si Zsa Zsa para sa kaniyang operasyon. Nakitaan na ng abnormal growth sa tissue ang kidney ni Zsa Zsa nang mapatingin siya sa doktor sa Pilipinas. Ang kidney cancer ng naturang singer-actress ay tinatawag na T1A o mababang stage ng cancer. Naawa naman si Divine Diva sa kanilang anak ni Dolphy na si Zia dahil parehong side nito sa pamilya ay may cancer na.
Nananatiling malakas ang anak ni Zsa Zsa kahit pa isang buwan pa lamang ang nakakalipas nang mamayapa ang ama nitong si Dolphy. Bilib na bilib din si Zsa Zsa Padilla dahil matapang na hinaharap ng kaniyang anak ang pagkadiskubre nila sa kidney cancer ng singer. Â Nagpapasalamat din daw siya dahil sa mga dasal na ibinibigay ng tao sa kaniyang kalagayan Gusto rin ni Zsa Zsa na kapag umuwi siya sa Pilipinas ay masasabi niyang isa na siyang cancer survivor.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment