Kahit madalas na lumalabas na magkasama sina Rhian Ramos at KC Montero ay hindi pa rin daw matatawag ng dalaga na opisyal ang kanilang relasyon. Ngunit ang estadong exclusively dating ay kinumpirma mismo ni Rhian dahil madalas naman daw talaga sila mag-date ni KC sa loob ng ilang buwan. Hindi naman masabi ni Rhian Ramos kung ilang buwan na ang espesyal na samahan nila ni KC Montero dahil hindi naman sila nagbibilang ng ganito at hindi rin daw siya magaling sa dates. Bago pa nauwi sa isang relasyon ang samahan ng dalawa ay una na silang magkaibigan ng binata.
Inamin ni Rhian na hindi daw siya noon pwede makipag-hang out sa mga kaibigan niyang mga lalake dahil mayroon daw nagagalit. Ang tinutukoy ni Rhian Ramos ay ang dati nitong nobyo na si Mo Twister na kaibigan din daw noon ni KC Montero. Hindi umano noon nabigyan ng pagkakataon sina Rhian at KC na magkakilala pa dahil na rin hindi daw pinapayagan ng dating nobyo ng aktres na gawin ito. Nang makipaghiwalay naman si Rhian Ramos sa dati nitong nobyo ay nabigyan na siya ng pagkakataon na makihalubilo kay KC Montero at iba niya pang lalakeng kaibigan.
Sa isang event ay muling nagkita ang dalawa kung saan sila ay nakapag-bonding muli dahil matagal din umano silang hindi nagkausap. Â Nagkakilala na rin daw ang dalaga at ang dating asawa ng DJ na si Geneva Cruz. Isang beses lamang din daw ito nangyari at matagal nang nangyari. Alam naman daw ni Rhian Ramos na madalas din mag-usap si KC Montero at dati nitong asawa. Inamin din naman ng dalaga na hindi sila magkaibigan ng singer noon kaya hindi rin niya ito nakakausap.
Kinumpirma naman ni Rhian na kahit hindi pa sila opisyal na magkasintahan ni KC ay iniiwasan niya na rin na mag-entertain pa ng iba niyang suitor. Aniya, magiging unfair naman daw ito kay KC Montero dahil wala naman daw itong nililigawang iba sa ngayon. Gusto lamang daw maging maingat ni Rhian Ramos sa kaniyang kasalukuyang buhay pag-ibig. Alam ng dalaga na unfair iyon para sa napapabalitang nobyo dahil hindi naman daw nito kasalanan ang mga nangyari sa dalaga. Hindi naman daw ito problema kay KC dahil alam niya na nag-iingat lamang si Rhian.
Hindi rin umano nagmamadali si Rhian Ramos at KC Montero na gawing opisyal ang kanilang pagsasama. Tapat naman daw ang dalawa sa isa’t-isa kung kaya bukas naman sila kung sakaling may problema sa kanilang kasalukuyang estado. Ine-enjoy na lamang daw ngayon nina Rhian at KC kung ano ang mayroon sila. Ayaw naman daw problemahin pa ni Rhian Ramos ang mga pwedeng mangyari sa kanilang relasyon ni KC Montero dahil sa ngayon ay sapat na rin daw sa kanila ang lahat ng nangyayari.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment