Sisilipin ng “Us Girls” bukas (Feb 23) ang kakaiba at tunay na pagba-bonding ng hosts na sina Anne Curtis, Billy Crawford, Coleen Garcia, Karylle, Kuya Kim Atienza, Jhong Hilario, Jugs at Teddy, Ryan Bang, Vice Ganda, at Vhong Navarro ng noontime program na nagpapasaya ng madlang people tuwing tanghali.
Magpapakilig din sina Angel Locsin at John Lloyd Cruz sa mga Kabarkada at magkekwento sa hosts na sina Iya Villania at Angel Aquino ng kanilang mga naging paghahanda at karanasan sa pagganap sa box-office hit movie na “Unofficially Yours.”
Kilalanin din ang mga miyembro ng Tanya Markova na ibubunyag ang ibig sabihin ng pangalan ng kanilang banda at ang konsepto sa kanilang mga kakaibang outfit. Ibabahagi naman ng vocalist ng Kamikazee na si Jay Contreras ang espesyal na kasalan nila ng kanyang asawa sa loob mismo ng isang sementeryo.
Matutuklasan din kung totoo nga bang kakaiba ang ugali, abilidad, at kalooban ng mga tinatawag na ‘leapling’ o mga taong may kaarawan na Pebrero 29. Bukod pa riyan, dadalhin din nina Iya at Angel ang mga kabarkada sa isang restaurant na naghahain ng mga putahe base sa mood ng customer.
Lahat ng iyan sa Best Women-Oriented Program sa 2012 UPLB Gandingan Awards, “Us Girls” bukas (Feb 23) sa Studio 23, 9:30 p.m. o panoorin ito anumang oras sa www.studio23.tv.
By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment