Madre ang role ni Vina Morales sa pagbibidahan niyang episode sa “Maalaala Mo Kaya” ngayong Sabado (Pebrero 25). Gaganap siya bilang si Jane, isang gurong nagdesisyong maging isang madre sa kabila nang pagtutol ng kaniyang pamilya. Ngunit sa gitna ng kanyang bokasyon, iibig si Jane na magtutulak sa kanyang lisanin ang kumbento at magsimula ng sarili niyang pamilya. Paano haharapin ng isang dating alagad ng Diyos ang mga dagok sa buhay na susubok sa kanyang pananampalataya? Kasama ni Vina sa “MMK” episode sina Mark Gil, Gina Pareño, Boots Anson-Roa, Mikylla Ramirez, Sharlene San Pedro, Menggie Cobarubbias, Tess Antonio, Eda Nollan, Almira Muhlach, Khaycee Aboloc, Patrick Sugui, at Johan Santos. Ito ay sa ilalim ng pananaliksik ni Alex Martin, panulat ni Joan Habana, at sa direksiyon ni Raz dela Torre. Huwag palampasin ang madamdaming pagganap ni Vina ngayong Sabado ng gabi sa longest-running drama anthology ng Asya, ang “Maalaala Mo Kaya” (MMK), pagkatapos ng “Wansapanataym.” Para sa iba pang updates, mag log on sa www.mmk.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-“like” ang www.faceboook.com/MMKOfficial.
0 comments:
Post a Comment