Aalamin din niya kung ano ang pananaw ni Mayor Mauricio Domogan at ang pinuno ng grupong tutol sa pagputol ng mga puno sa proyektong ito ng SM.
Maraming mga puno sa bansa ang pinuputol makakuha lamang ng espasyo sa lupain. Kagulat-gulat ang lantarang pagkasira ng mga kagubatang sakop ng protected areas tulad ng Sierra Madre, na siyang natitirang pinakamalawak na kagubatan sa bansa o halos kalahati rin ng kabuuang kagubatan ng Pilipinas.
Sa kanyang patuloy na paglaban para sa kalikasan, ikakampanya ni Julius ang reforestation o ang pagtatanim ng mga puno para maibalik ang natural na ganda ng mga kagubatan. Bukod din sa pagpapaigting ng pagbabantay sa mga kagubatan laban sa mga magtotroso, nakikita ni Julius na dapat ding mabigyan pa ng mas malawak na suporta sa forest guards na minsan ay nagbubuwis ng buhay alang-alang sa pagbabantay.
Makinig, makisama, at makiisa sa kampanya ni Julius para sa pagkabuhay ng ating mga kagubatan at ng kalikasan ngayong Huwebes (Feb 23) sa “Krusada,” na nominado sa Social Issues/Current Events category ng prestihiyosong 2012 New York Festivals International Television & Film Awards, bukas pagkatapos ng “Bandila” sa ABS-CBN. Maaari rin itong panoorin sa mas maagang pag-ere nito sa DZMM TeleRadyo (SkyCable Channel 26), 9:15 p.m.
By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment