Mula nang umere ang top-rating teleseryeng pinagbibidahan ng Drama Prince na si Gerald Anderson noong Oktubre 2011, sinamahan ng mga manonood ang karakter ni Gerald sa bawat dagok at laban na hinarap nito sa kabila ng kaniyang sakit. Tumatak si Budoy sa puso ng buong sambayanan dahil sa gabi-gabing pagpapangiti, pagpapaluha, at pagbibigay inspirasyon at pagasa hindi lamang sa mga batang may kapansanan kundi maging sa buong pamilya.
Tumatak rin sa sambayanan ang linyang ‘Be happy, be Budoy’ na mistulang nagpapagaan ng kalooban at nagbibigay pag-asa sa gitna ng mga pagsubok na pinagdadaanan. Dahil sa inspirasyon na ito, nagkaroon ng ‘Be happy, be Budoy’ mall tour kung saan personal na binisita ni Gerald ang kanyang fans upang makapagpasalamat sa mainit na suportang ibinigay nila sa kanyang programa. Bukod sa pagpapaligaya ng fans, pagtulong rin sa hangad ng 'Budoy mall tour,' dahil ang lahat ng kinita nito ay mapupunta sa pag-aaral ng mga bata sa World Vision. At biglang huling regalo sa lahat, isang engrandeng fans day tampok ang buong cast ang gaganapin ngayong Linggo (Marso 4), 4:00 p.m, sa SM Skydome.
Samantala, sa huling dalawang linggo ng “Budoy,” tunghayan ang mga makapigil-hiningang eksena na magaganap sa pagsagip ni Budoy sa girlfriend niyang si Jackie (Jessy Mendiola) at kapatid na si BJ (Enrique Gil) laban sa sindikato. Magtatagumpay kaya si Budoy na maisalba si BJ at Jackie? Mabubuo pa kaya muli ang kaniyang nasirang pamilya? Paano bibigyan ni Budoy ng solusyon ang mga problemang pinagdadaanan sa kabila ng kaniyang sakit?
Huwag nang bibitiw sa huling laban ni Gerald Anderson sa “Budoy” pagkatapos ng “Walang Hanggan” sa ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sa www.budoy.tv, sundan ang @budoy_tv sa Twitter, at i-“like” ang www.facebook.com/budoy.tv.
By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment