Kasama ni Gabby ang iba pang lider ng ABS-CBN upang magbahagi ng kaalaman sa mga kabataan alinsunod sa temang “Media Convergence for Social Responsibility.”
Tatalakayin ni ABS-CBN digital terrestrial TV marketing head Miguel Mercado ang 'future' ng digital television; samantala, mga pagbabago naman sa pagbabalita dulot ng teknolohiya ang topic ni ABS-CBN news and current affairs head Ging Reyes. Tuturuan ang mga delegado ni Star Cinema concept development group head Enrico Santos kung paano nakikibahagi ang pelikulang Pilipino sa pagpapabuti ng kalagayan ng bansa; at ibabahagi naman ni ABS-CBN head of creative communications Robert Labayen kung paano makipag-ugnayan sa mga manonood gamit ang advocacy plugs.
Ilalahad ni ABS-CBN Foundation Inc. managing director Gina Lopez ang iba’t ibang adbokasiya na malaking tulong sa mga nangangailangang kababayan. Ibabahagi naman ni ABS-CBN Manila radio division head Peter Musngi kung paano sumabay ang radyo sa pagbabago ng teknolohiya; habang si ABS-CBN Regional Network Group head Jerry Bennett ay pag-uusapan ang case study tungkol sa 'Choose Philippines.' Ang head ng Studio 23 at Cable Channel and Print Media Group (CCPMG) na si March Ventosa ay magbibigay ng updates sa mga pinabagong teknolohiya sa media; si customer business development head Vivian Tin naman ay ipauunawa sa mga kabataan kung paano mag-isip ang mga manonood; samantalang si TV Entertainment Production head Linggit Tan naman ay magbibigay linaw kaugnay ng tunay na panlasa ng mga Pilipinong manonood.
Samantala, mababahagi rin sa 7th PMC ang mga opisyal at experts mula sa iba't ibang industriya kabilang si Kantar Media general manager Gabriel Buluran na imumulat ang mga kabataan sa kasalukuyang estado ng Philippine media at kung paano ito tinatangkilik ng mga manonood. Si Leo Jasareno ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ay magtuturo kung paano magagamit ang new media upang masuportahan ang isang adbokasiya, samantalang si PIA director general Atty. Jose Fabia ay magbabahagi ng kaalaman sa pag-uulat ng panahon. Tatalakayin naman ni Campaigns chair Yoly Ong ang mga uso at patok na media ngayon; habang sina MTRCB board member Atty. Eugenio Villareal at KBP president Ruperto Nicdao ay pag-uusapan ang kung paano pinoprotektahan ng kanilang mga grupo ang TV viewers sa pamamagitan ng mabusising media monitoring.
Pitong taon nang nakikipagtulungan sa Philippine Association of Communication Educators (PACE) ang ABS-CBN para sa pag-oorganisa ng Pinoy Media Congress. Ang Pinoy Media Congress ay pinarangalan ng Award of Excellence ng Philippine Quill Awards na iginawad ng International Association of Business Communicators Philippines noong 2007 at isa pang Award of Excellence mula sa Anvil Awards na iginawad naman ng Public Relations Society of the Philippines noong 2008.
By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment