“Maraming salamat po sa ibinigay n'yong tiwala sa amin. Sana po suportahan niyo kami hanggang sa huli dahil marami pang pasabog na eksena ang ihahatid namin para sa inyo,” pahayag ni Erich.
Bilang pasasalamat at pamamaalam sa loyal Kapamilya viewers, isang engrandeng motorcade ang ginanap kamakailan kasama ang buong cast ng “Maria la del Barrio” na lumibot mula sa ABS-CBN compound papuntang Monumento, Caloocan, at Valenzuela. Kasama nina Erich at Enchong sa nasabing motorcade sina Angel Aquino, Assunta De Rossi, Ian Veneracion, Jewel Mische, Arron Villaflor, Jane Oineza, at Alyanna Angeles.
Pinasalamatan rin nina Erich at Enchong maging ang mga aktibong 'netizen' na hindi bumitiw sa love story nila Maria at Luis. Game na sinagot kamakailan nina Erich at Enchong ang mga tweets at katanungan ng kanilang fans sa naganap na #MLDBTwitterParty na naging worldwide trending topic sa sikat na microblogging site na Twitter dahil sa pagdagsa ng mga katanungan ng fans ng magka-love team.
Huwag bibitiw sa mas malalaking pasabog sa pinakamainit na pagtatapos sa telebisyon, ang huling linggo ng “Maria la del Barrio,” gabi-gabi, pagkatapos ng "Lumayo Ka Man sa Akin" sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.
-- MORE PHOTOS HERE --
By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment