Makakasama ng Kapamilya child wonders na sina Mutya Orquia at Louise Abuel ang singer-actress na si Vina Morales ngayong Sabado (Marso 3) sa ‘Maya Aksaya’ episode ng “Wansapanataym.” Gagampanan ni Mutya ang karakter ni Maya, isang batang mahilig magsayang at magtapon ng pagkain kaya’t paparusahan siya ng isang duwendeng maglalayo ng lahat ng pagkaing hahawakan niya. Alamin kung paano matututunan ni Maya na pahalagahan ang mga bagay na meron siya. Ito ay sa ilalim ng panulat ni Noreen Capili at direksyon ni Francis Pasion. Huwag palampasin ang “Wansapanataym” ngayong Sabado ng gabi pagkatapos ng “Kapamilya: Deal or No Deal” sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.
0 comments:
Post a Comment