Dalawa sa pinakamahuhusay na aktor at pinakatinitiliang heartthrobs ng kanilang henerasyon na sina box office king John Lloyd Cruz at drama prince Gerald Anderson ang masusing kikilalanin ng “Showbiz Inside Report” ngayong Sabado (Marso 3). Kung si John Lloyd ay masaya sa patuloy na pagtabo sa takilya ng hit movie nila ni Angel Locsin na “Unofficially Yours,” si Gerald naman ay lubos ang pasasalamat sa lahat ng mainit na tumatangkilik sa top-rating teleserye niyang “Budoy” na malapit nang magtapos. Ngunit sa likod ng kanilang kaliwa’t kanan na top-rating TV dramas, blockbuster movies, dumaraming product endorsements at maintrigang love life, sino nga ba sila John Lloyd at Gerald bago sila maging sikat? Anong klaseng buhay ang mayroon sila kasama ang kani-kanilang pamilya at kaibigan? Pinangarap nga ba talaga nilang maging artista? Samahan sina Carmina Villaroel, Janice de Belen, Joey Marquez at Ogie Diaz at tuklasin ang mga ‘inside story’ kaugnay ang tunay na personalidad ng dalawa sa pinakamahuhusay na aktor ng bansa ngayon. Huwag palampasin ang pinakabagong entertainment talkshow ng ABS-CBN, “Showbiz Inside Report” tuwing Sabado, 2:30 ng hapon, pagkatapos ng “It’s Showtime.” Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com, sundan ang @SIRTVOfficial sa Twitter, o i-‘like’ ang Facebook page na http://www.facebook.com/ShowbizInsideReport.AbsCbn.
0 comments:
Post a Comment