Ngayong Sabado (Feb 18), bubusisiin ni Ted Failon ang nagaganap sa pamamahala ng isang barangay at kung paano ginagasta ang pondong nakalaan sa bawat isa sa mga ito.
Isa sa mga pinanghahawakang kapangyarihan ng sangguniang barangay ay ang paggamit ng pondo na nagmumula sa Internal Revenue Allotment o IRA na galing sa national government. Napag-alaman na ang 55% ng kabuuang budget ng barangay ay napupunta sa sweldo ng mga empleyado samantalang 20% lang ang napupunta para sa mga proyekto na ika-uunlad ng barangay.
Ito kaya ang dahilan kung bakit maraming tumatakbo para sa mga pwesto sa barangay tuwing eleksyon? Napapakinabangan ba ng mga mamamayan ang pondong nakalaan para sa kanilang barangay?
Alamin ang mga kasagutan sa pagbusisi ni Ted Failon sa "Failon Ngayon,” Sabado (Feb 18), 4:30 p.m. sa ABS-CBN.
By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment