Nanatiling panalo sa national TV ratings ang Primetime Bida teleseryeng pinagbibidahan nina Susan Roces, Helen Gamboa, Richard Gomez, Dawn Zulueta, Julia Montes, at Coco Martin na "Walang Hanggan." Base sa pinakahuling tala ng Kantar Media, nakakuha ang "Walang Hanggan" ng 26.7% national TV rating, kumpara sa 22.2% ng katapat nitong bagong teleserye ng GMA na "My Beloved." At dahil sa mainit na suporta ng mga manonood, patuloy ang personal na pasasalamat ng cast ng "Walang Hanggan" sa kanilang mall tour ngayong Sabado (Pebrero 18), 5pm, sa Gaisano Capital Island Mall, Mactan, Cebu. Abangan ang lalong umiinit at makapigil-hiningang eksena sa “Walang Hanggan” gabi-gabi, pagkatapos ng “Budoy” sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa http://walanghanggan.abs-cbn.com/, i-‘like’ ang http://facebook.com/abs.walanghanggan, o sundan ang @walanghanggan_ sa Twitter.
0 comments:
Post a Comment