Matapos pabilibin ang sambayanan sa lingu-linggong labanan sa kusina, magaganap na ang huling ‘hands-up’ at ang live na bakbakan ng Final Four kiddie cooks na sina Jobim, Kyle, Mika, at Philip sa “Junior MasterChef Pinoy Edition Finale: The Live Cook-off” sa Sabado (Feb 18) sa ganap na 6 p.m.
Sa huling pagkakataon ay susubukin ang husay at diskarte ng apat na batang kusinero sa isang matindi at live na paghahanda ng putahe sa Treston International College na magpapasya kung sino sa apat ang tatanghaling kauna-unahang Pinoy Junior MasterChef na magwawagi ng P1 milyon at culinary scholarship.
Ang tatanghalin namang second placer ng kumpetisyon ay mag-uuwi ng P500,000, at ang third at fourth placers ng P250,000.
Live na titikman at huhusgahan ng host na si Judy Ann Santos-Agoncillo at mga huradong sina Chef Ferns, Chef Lau, at Chef Jayps ang kanilang ihahaing putahe, na siyang kakatawan sa limang buwang pagsasanay at karanasan nila sa kusina ng “Junior MasterChef Pinoy Edition.”
Para tulungan ang tatlong hurado sa pagpapasya, 100 katao mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan ang hahatol sa lutuing ihahain nina Jobim, Kyle, Mika, at Philip sa isa pang mahigpit na cooking challenge.
Nag-numero uno naman sa national TV ratings ang “Junior MasterChef Pinoy Edition” noong Linggo (Feb 12) nang ipinakilala na ang Final Four kiddie cooks. Nakakuha ang nasabing episode ng 21.9% national TV rating ayon sa Kantar Media.
Tinalo rin ng kiddie cooking reality show ang kalabang programa noong Sabado (Feb 11) nang magkamit ito ng 22.0% rating laban sa “Manny Many Prizes” (12.4%) ng GMA-7.
Samantala, maaaring tikman sa Pancake House restaurant ang mga lutuing tampok sa “Junior MasterChef Pinoy Edition” gaya ng cabbage lumpia in coconut breading, rice in ampalaya silog, porksilog steak, at tofu eggplant salad.
Huwag palampasin ang huling labanan sa kusina nina Jobim, Kyle, Mika, at Philip sa “Junior MasterChef Pinoy Edition Finale: The Live Cook-off” ngayong Sabado (Feb 18), 6 p.m. sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, i-like ang http://www.facebook.com/jrmasterchef sa Facebook, sundan ang @jrmasterchef_ph sa Twitter, o bisitahin ang www.masterchefph.tv.
By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment