Isa rito ang paglangoy niya sa dagat ng basura sa Pasig River para lang maipakita ang labis na dumi nito. Sariwang sariwa sa alaala ni Kuya Kim ang duming sinuot sa ngalan lang ng pagbabahagi ng kaalamaan.
Naging makahulugan din sa kanya ang isinagawang operasyon sa butas sa kanyang puso ng siya ay ma-stroke na eklusibo niyang pinakita sa telebisyon.
"Pinakameaningful 'yon para sa akin dahil inspiring 'yon sa mga taong pinagdaanan din ang napagdaanan ko," sabi ni Kuya Kim.
Hindi niya rin makakalimutan ang kanilang episode tungkol sa buhay ng maninisid ng poso negro kung saan tiniis niya ang nakasusulasok na amoy at pinagdaanan ang hirap ng trabahong ito.
Ang kahuli huli niyang naalala at masasabi ring pinakamasakit na alaala ng Trivia King ay noong nakagat siya ng isang bayawak. Bagamat sanay na sa mga hayop ay hindi pa rin ito nakaligtas sa natural na bangis nito.
Sa kabila ng kapangahasang ginawa, nais ipaalala ni Kuya Kim na hindi dapat ginagaya ng mga bata ang kanyang mga ginawa at mas mabuting magbasa na lang ng aklat o manood ng programa niya para madagdagan ang kanilang kaalaman.
Marami pang pagdaraanan si Kuya Kim sa multi-awarded education program ngunit ng siya ay tanungin kung ano pa ang maaring asahan sa programa, sagot niya ay "Sa totoo lang, hindi ko alam. Hindi ko alam ang mangyayari kasi ang karunungan naman ay walang hangganan. Mapalad lang ako na binigyan kami ng pagkakataon na magbahagi ng kaalaman."
Ang "Matanglawin" ay bahagi ng malawakang kampanya ng ABS-CBN na "Bida Best Kid" na naglalayong isulong ang kapakanan ng mga bata sa pamamagitan ng paggawa ng mga pogramang nagpapakita ng mabubuting asal at pagpapahalaga. Hinihimok sila nito na maging "da best" sa anumang larangan na naisin nila at patuloy na abutin ang kanilang mga pangarap.
Abangan ang mapanuri, mapagmatiyag at mapangahas na adventure ng Trivia King nitong Linggo (Apr 29) sa ikalawang bahagi ng espesyal na 4th anniversary episode ng "Matanglawin" na ginawa sa Bangkok, 9:30 AM sa ABS-CBN. By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment