Isang nakarehistrong nars na itatago sa pangalang "Sarah" ang dumulog sa "XXX" upang isumbong ang nasabing opisina na talaga namang nakakapagduda dahil sa paniningil ng "reservation fee," na ipinagbabawal ng batas, sa mga taong nag-aapply dito.
Ang masama pa rito ay hindi naman talaga napupunta sa inaasahang posisyon ang mga nag-apply kundi nauuwi lang sila sa ibang trabaho na hindi naman akma sa kanilang napag-aralan. Sa kaso ni Sarah ay napasok siya sa pagiging sales representative sa halip na isang company nurse.
Samantala, tututukan naman ni Pinky Webb ang umano'y pangmamaltrato sa mga hayop na ibinibenta sa isang bahagi sa palengke ng Bocaue, Bulacan. Ang mga hayop na ito ay nagsisiksikan sa maduduming kulungan na pati nga ang iba ay sinilid na lang sa mga sako.
Iimbestigahan naman ni Anthony Taberna ang inirereklamong paniningil ng P40 toll fee sa isang subdivision sa Muntinlupa City na ni hindi aabot ng isang kilometro ang haba at ang masaklap pa ay hindi naman talaga parte ang subdivision sa daan.
Tutukan ang buong imbestigasyon sa "XXX" nitong Lunes (Abr 30) pagkatapos ng "Bandila" sa ABS-CBN By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment