Tunghayan sa Mayo 7 (Lunes) ang pagsisimula ng adventure na batang si Aryana (Ella) na mababago ang takbo ng buhay sa pagsapit ng kanyang ika-14 na kaarawan, kung kailan nakatakdang maisakatuparan ang sumpang ibinigay sa kaniya--ang pagiging isang serena.
Ayon kay Ella, isang 'dream come true' para sa kanya ang maging bida sa isang teleserye ng ABS-CBN. "Bata pa ako, gusto ko nang maging artista. Tapos noong sumisikat na sila Ate Julia (Montes) at Kathryn (Bernardo), sinabi ko sa sarili ko na balang araw gusto ko ring magkaroon ng teleserye sa Primetime Bida," ani ng dating "Goin' Bulilit" child star na mas tumatak kamakailan sa mga manonood bilang batang Cristine Reyes sa top-rating drama series na "Dahil sa Pag-ibig."
Ibinahagi rin ng batang aktres na ikasisiya ng buong pamilya ang kuwento ni "Aryana" at ang mga karakter sa kanyang dalawang mundo--ang mundo ng mga tao at mundo ng mga sirena. Kuwento niya, "Makakapulot din ang TV viewers ng iba't ibang aral tungkol sa pamilya, pag-ibig at kalikasan."
Kasama ni Ella sa "Aryana" ang powerhouse cast na kinabibilangan nina Pokwang, Tonton Gutierrez, Desiree del Valle, Laurice Guillen, Tetchie Agbayani, Giselle Toengi, Rustica Carpio, Lotlot de Leon, Bianca Manalo, Chokoleit, Michelle Vito, David Chua, Boom Labrusca, Marvin Yap, Louise Abuel, at Paul Salas. Ito ay sa ilalim ng direksyon nina Erick Salud at Lino Cayetano.
Huwag palampasin ang pagbubukas ng pinakaaabangang fantaserye ng ABS-CBN, "Aryana," sa Mayo 7 (Lunes) sa Primetime Bida. Para sa karagdagang updates, mag-log on lamang sa www.abs-cbn.com o sundan and abscbndotcom sa Twitter. By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment