Malaki ang pasasalamat nina Coco Martin at Angeline Quinto sa lahat ng kanilang mga fans at kaibigan na sumuporta sa kanilang pelikulang Born To Love You. Kahit naging masungit ang panahon sa naging premiere night ng pelikula ay hindi pa rin natinag ang mga tagahanga nina Coco at Angeline dahil sumugod pa rin sila sa sinehan para ito ay panoorin. Sinuportahan si Coco Martin ng kaniyang mga co-stars sa teleserye na maaga pang nagpunta sa sinehan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin daw makapaniwala si Angeline Quinto sa mga taong tumangkilik ng kanilang pelikula.
Fresh na kombinasyon naman daw ang naging tambalan nina Coco at Angeline. Lalo pa umano itong napaganda dahil sa hindi maitatangging charm at galing ni Coco Martin sa harap ng kamera kasama ang mahusay na pag-arte ni Angeline Quinto kahit pa baguhan lamang siya sa pag-arte. Gumaganap si Coco sa pelikula bilang Rex na isang photographer na may malungkot na nakaraan. Nakilala niya sa istorya ang tourist guide na si Angeline na hindi niya makasundo. Dito ay nadiskubre pareho ng dalawa kung ano talaga ang mahalaga sa kanilang buhay.
Inamin noon ni Coco Martin sa kaniyang mga interview na kinailangan pa nila turuan si Angeline Quinto ng mga basic na gagawin pagdating sa pag-arte. Halos walong buwan din nagtagal ang shooting ng dalawa at pinagsabay pa ito ni Coco sa kaniyang kasalukuyang teleserye. Nagpasalamat sina Coco Martin at Angeline Quinto sa mga executives ng ABS-CBN at Star Cinema na nagtiwala sa kanilang mga kakayahan para bumida sa isang pelikula.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment