Masakit pa rin hanggang ngayon para kay Jason Francisco ang pagtatapos ng kanilang relasyon ng dating nobya na si Melai Cantiveros. Nabuo ang pag-iibigan nina Jason at Melai nang magsama sila sa Pinoy Big Brother Double Up noong taong 2009 nang pareho silang maging housemate sa bahay ni Kuya. Noong Pebrero ay kinumpirma pareho nina Jason Francisco at Melai Cantiveros na tuluyan na nilang tinapos ang kanilang halos tatlong taong relasyon bilang magkasintahan. Hindi naman daw naging madali ang pakikipaghiwalay ni Jason sa dalagang si Melai taliwas sa sinasabi ng ilan.
Inamin ni Jason Francisco na madali siyang maapektuhan kapag nagkakaroon sila ng problema ni Melai Cantiveros noon. Kahit pa ayaw na mangyari ng binata ang hiwalayan ay hindi pa rin daw nila naiwasan ni Melai na mangyari ito. Kinumpirma ni Jason na dumaan siya sa depresyon nang magkaroon sila ng problema ng nobya. Nahirapan din daw siya magtrabaho sa mga panahong iyon dahil pati ang mga kasama niya ay apektado rin sa mga nangyayari. Dumating din sa punto na nahirapan si Jason Francisco na tanggapin ang kinahinatnan ng pagmamahalan nila ni Melai Cantiveros. Kahit pa masakit sa kalooban ng binata ay pilit niya itong tinanggap dahil maaaring makabuti rin ito sa kanila ng dating nobya.
Kitang-kita naman daw ni Jason na masaya na si Melai sa kasalukuyan nilang estado bilang magkaibigan. Ikinuwento niya na naging magkaibigan naman daw muna sila ng dalaga bago pa napunta sa isang relasyon ang kanilang mga nararamdaman sa isa’t-isa. Naging totoo naman daw si Jason Francisco sa mga pinakita niyang emosyon para kay Melai Cantiveros kung kaya  masaya naman daw sila pareho sa kanilang mga pinagsamahan bilang magkaibigan at magkasintahan.
Alam ni Jason na pati ang mga tagahanga nila ni Melai ay nalungkot din sa pangyayari dahil katulad niya ay inakala rin ng mga fans na magtatagal pa silang dalawa. Kinumpirma ni Jason Francisco na ilan sa kanilang mga fans ay umiyak pa sa balitang hiwalay na sila ni Melai Cantiveros. Sinusubukan naman daw nina Jason at Melai na ibalik ang dating pagkakaibigan na binuo nila sa loob ng bahay ni Kuya para sa mga taong buong pusong sumuporta sa kanilang tambalan. Sa ngayon ay civil na rin daw sina Jason Francisco at Melai Cantiveros sa isa’t-isa dahil nagagawa na rin nilang mag-usap nang maayos tulad ng dati.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment