Tuluyan nang sinuspinde ang programa sa TV5  ng Tulfo brothers na T3 Kapatid Sagot Kita o kilala bilang T3 ng MTRCB o Movie and Television Review and Classification Board sa loob ng tatlong buwan. Pinagmulta din ang programang T3 ng P100,000. Ito ang naging parusa ng MTRCB sa programa ng TV5 dahil umano sa mga pananakot at pagbabanta ng magkapatid na Tulfo na sina Ben, Raffy at Erwin habang ang programa ay nasa ere.
Kaugnay ito sa nangyaring insidente sa pagitan nina Mon Tulfo at showbiz couple na sina Raymart Santiago at Claudine Barretto. Hindi nagustuhan ng MTRCB ang pinakitang ugali ng mga magkakapatid dahil ginamit umano nila ang programang T3 na isang public service program para manakot ng kapwa.
Matatandaaang nabigyan na ng 20 araw na suspensyon ang T3 noong May 12 matapos ang pagbabanta ng mga magkakapatid sa programa. Ayon sa MTRCB Chairperson Mary Grace Poe Llamanzares nilabag ng programa ang , Section 3 (c) of PD 1986 dahil sa mga hindi kanais-nais na binitiwang mga salita ng magkapatid na Tulfo. Naging liable ang TV5 sa mga ginawang pagbabanta ng tatlo sa May 02, 2012 episode ng programa.
Sa official website ng ng MTRCB ay nakalagay ang mga nalabag na batas ng mga mamamahayag. Ito ang mga sumusunod:
1.  For violating of Section 3 (c) of PD 1986, the penalty of SUSPENSION for THREE (3) MONTHS is hereby imposed on the show âT3 Kapatid Sagot Kitaâ including the advisory requirement in this decision.
2.  By way of administrative penalty, a fine of one hundred thousand pesos (Php 100,000.00) is hereby imposed on the show âT3 Kapatid Sagot Kita.â
3.  After the complete service of the suspension, the show âT3 Kapatid Sagot Kitaâ is placed on Probation, or on a per-episode permit basis, until the Board is convinced that the Respondents have implemented self-regulatory measures aimed at preventing future violations.
Sinagot naman ng TV5 ang desisyon ng MTRCB at balak mag-file ng kanilang appeal. Ayon sa mga opisyal ng network, pinagsisihan nila ang mga naging desisyon ng MTRCB. Balak namang ipasa ng network sa court of appeals ang kanilang reklamo dahil tila sumobra naman daw ang naging desisyon ng MTRCB sa kanilang programa. Nauna nang sinuspinde ng network ang mga magkakapatid na Tulfo bago pa tuluyang suspendihin ng MTRCB ang kanilang programa. Humingi na rin ang tatlo ng  paumanhin sa mga taong natakot at nasaktan nila sa kanilang mga nabitiwang salita.
Naglabas naman ng opisyal na statement ang TV5 laban sa MTRCB na naglalaman ng kanilang hinaing patungkol sa suspensyon ng programang T3 Kapatid Sagot Kita:
âAt this point, TV5 will turn to the court of appeals and seek judgment in its pending petition to enjoin the MTRCB from further enforcing the sanction until a definitive ruling is made on the issue of grave abuse of discretion committed by the Censorship Board.â
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment