Malaki raw ang pinagbago ng boksingerong si Manny Pacquiao ayon sa kaibigan at co-host nitong si Paolo Contis. Hindi naman sigurado si Paolo kung totoo nga ang balitang araw-araw na ang kanilang game show ni Manny na  Manny, Many Prizes. Aniya, abala raw masyado ang kaibigan lalong-lalo na at nalalalpit na naman ang isang laban ni Manny Pacquiao. Halos dalawang buwan na ring hindi live ang naturang game show dahil sa schedule ni Manny.
Masaya naman si Paolo Contis dahil ngayon ay bukas na si Manny Pacquiao sa intensyon na mabago dahil nagiging mabuti umano itong impluwensya para sa kaniyang mga tagahanga.  Alam nilang ang pagbabago ni Manny ay para sa kabutihan niya at para rin sa kaniyang pamilya. KItang-kita rin daw ni Paolo Contis na hindi nawawala ang sensiridad ni Manny Pacquiao na makatulong sa mga nangangailangan.
Pinamigay na rin daw ni Pacman ang kaniyang mga manok na pangsabong at sinara na ang mga negosyong bars. Naniniwala ang aktor na may kakaibang talento talaga ang boksingero. May galing daw si Manny Pacquiao pagdating sa pag-impluwensya ng mga tao kahit na hindi niya pa nakikita ang mga ito. Positibo naman daw ang impluwensyang pinapakita ni Manny dahil gusto niyang matutong magbasa ng Bibliya ang mga tao. Aminado si Paolo Contis na malaki ang naging impluwensya ni Manny Pacquiao sa kanila kahit pa hindi sila pagsabihan ng boksingero. Bukod sa pagtulong sa pinansyal na problema ng mga tao ay malaki rin daw ang naitutulong ng kaibigan lalo na sa ispiritwal na aspeto.
Noong nalaman ng aktor at asawang si Lian Paz na nagbabasa si Pacman ng Bibliya ay hindi nila alam kung ano ang dahilan at naisipan din nilang magbasa ng Bibliya araw-araw. Hindi naman daw nila ginawa iyon dahil pinagsabihan sila ni Manny Pacquiao kundi pakiramdam nila ay naimpluwensyahan lang sila ng positibong ugali ng World Champion. Ayon kay Paolo Contis ay isang malaking domino effect ang impluwensya ni Pacman lalo na sa pagbabasa ng Bibliya. Umaasa si Paolo na pangmatagalan na ang pagbabago ng kaibigan dahil alam niya na marami pa itong maiimpluwensyahang tao. Proud naman si Paolo Contis sa mga ipinakikitang magagandang pagbabago ng kaibigang si Manny Pacquiao at umaasang sana ay tuloy-tuloy na ito.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment