Hindi itinanggi ni Coco Martin na medyo natagalan si Angeline Quinto matutunan ang pag-arte sa harap ng kamera. Bilang baguhan, nahirapan umano si Angeline sa mga ipinapagawa ng direktor nila ni Coco. Hindi naman daw ito naging problema para sa binatang aktor na si Coco Martin dahil bukal naman sa kaniyang loob ang turuan ang kaniyang co-star na si Angeline Quinto ng iba’t-ibang technique para mapadali ang kaniyang pag-arte.
Minsan naman daw ay nasosobrahan naman siya sa pagtuturo at nauubos naman ang lakas ni Coco sa pagbibigay ng motibasyon kay Angeline kung kaya pag siya na ang kukunan ng eksena nakakaramdam na siya ng pagod. Nilinaw naman ni Coco Martin na pinagpasensyahan niya naman ang leading lady dahil alam niyang hindi talaga ito sanay sa pag-arte.
Tinulungan ni Coco si Angeline na humugot ng totoong emosyon kapag mayroon silang confrontations scenes kahit na raw kailangan niyang sampalin ang aktor. Sa eksenang pagsamapal ni Angeline Quinto kay Coco Martin ay kinumpirma ng binata na medyo naparami ito dahil nahirapan iarte ng dalaga ang kaniyang linya. Ang advice na ibinigay ni Coco kay Angeline ay mabuting totoohanin niya ang kaniyang mga nararamdaman para mas madama niya ang eksena at magawa ng mahusay ang kaniyang karakter.
Naikuwento rin ni Coco Martin na dahil sa dami ng eksenang pagsampal sa kaniya ni Angeline Quinto ay tila automatic na siyang umiiwas sa kamay nito kahit pa hindi pa nito nagagawa ang pagsampal. Sa huli ay hindi naiwasan ng aktor na humanga sa pinakitang pag-arte ng singer sa kaniyang mga eksena. Gusto rin ulit makatrabaho ni Coco si Angeline sa mga susunod pang proyekto na darating. Nakita ni Coco Martin kung gaano kalalim ang pinanghuhugutan ni Angeline Quinto pagdating sa kanilang mga dramatic scenes. Inabot ng walong buwan ang pag-shoot ng dalawa sa kanilang pelikula pero sulit naman daw ang pagod at puyat dahil proud umano siya at nagawa nila ito ni Angeline.
Ipinagmamalaki ni Coco Martin na kahit hindi malaki ang perang kapalit ng kaniyang pagod at puyat ay sulit umano ang kaniyang paggawa ng pelikula kasama si Angeline Quinto. Sa araw-araw nilang pagtatrabaho ay unti-unti na rin daw nakikita ang paghusay ng dalaga sa pag-arte. Bukod dito ay nakikita nila na seryoso si Angeline sa kaniyang karakter at nagawa pa raw nitong magpapayat para sa isang eksena. Trabaho lang din daw ang naging kissing scene nila ni Angeline Quinto dahil wala raw balak si Coco Martin na samantalahin ang baguhang aktres sa mga eksenang ito.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment