Natalo ang pambato ng Pilipinas na si Jessica Sanchez sa naganap na American Idol finale para sa ika-11 season. Inuwi ng binata na si Phillip Phillips ang korona matapos makakuha ng mas maraming boto  kumpara sa 16-taong-gulang na kalaban na si Jessica. Natuldukan na ang paghihintay ng mga tagahanga ni Jessica Sanchez matapos ang ilang buwang kumpetisyon at pagsubok niya sa American Idol. Malaki ang pasasalamat ni Jessica sa mga crew ng American Idol dahil marami umano silang ginawa  para sa mga finalist na katulad niya at para mapaganda ang programa. Hindi rin nakalimutan ni Jessica Sanchez na pasalamatan ang lahat ng American Idol fans na sumuporta sa kanila dahil hindi umano nila mararating ang kasalukuyang posisyon kung hindi dahil sa kanilang suporta.
Sa huling gabi ng kumpetisyon ay ipinagmalaki ng host na si Ryan Seacrest ang 132 milyong boto na natanggap ng American Idol galing sa mga tagahanga ng dalawa. Wala namang sama ng loob na nararamdaman si Jessica Sanchez dahil hindi niya naiuwi ang titulo bilang ika-11 American Idol. Isa sa mga hindi makakalimutang nangyari sa kumpetisyon ay nang makasama ng dalaga sa isang awitin ang kaniyang idolong batikang singer na si Jennifer Holliday. Alam naman daw ni Jessica ang mga nakakautwang facial expression nilang dalawa ng singer sa performance pero nilinaw niya na may pinanghuhugutan ang mga emosyon na iyon dahil maganda raw ang awiting ito.
Inamin ni Jessica Sanchez na gusto niya umano talagang kantahin ang awitin ni Prince na How Come U Don’t Call Me Anymore sa huling gabi ng Idol finale. Hindi naman daw nagulat si Jessica na hindi siya nanalo sa American Idol dahil naniniwala siya na si Phillip umano talaga ang nararapat dito dahil isa siyang tunay na artist. Ang huling babaeng nanalo sa singing contest ay si Jordin Sparks at ito ay noong 2006 pa. Ang isa sa mga naging rason umano ni Jessica Sanchez para manalo sa American Idol ay para ibalik naman ang pamamayagpag ng babae sa kumpetisyon.
Excited na si Jessica sa magaganap na tour nila ng kaniyang mga naging kasama sa singing competition. Umaasa si Jessica Sanchez na matapos ang American Idol ay makakakita ang ibang tao ang iba niya pang talento. Natutuwa ang dalaga dahil sa wakas ay natapos na ang kanilang pagpupuyat pero sigurado raw na mamimiss niya ang lahat magmula sa mga tao sa likod nito at ang buong kasiyahang naidulot sa kaniya ng natatanging karanasang ito. Naniniwala si Jessica Sanchez na hindi ibig sabihin na natalo siya sa American Idol ay hindi na siya magtatagumpay sa kaniyang mga pangarap.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment