Nananatili pa rin ang opinyon ni Toni Gonzaga patungkol sa kaniyang pananaw ukol sa musika ni Lady Gaga. Ayon sa panayam kay Toni, inamin niya na hindi na siya kumportable sa pakikinig ng mga musika ng makontrobersyal na si Gaga. Matatandaang umani ng protesta si Lady Gaga bago pa ito magperform sa bansa laban sa iba’t-ibang religious group dahil nagpapakita umano ng hindi pagrespeto sa simbahan ang kaniyang mga awitin. Alam naman daw ni Toni Gonzaga na ang kaniyang opinyon ay umani ng hindi magagandang salita mula sa iba’t-ibang mga tao. Nilinaw naman ni Toni na personal na opinyon lamang ang kaniyang ibinahagi.
Wala naman daw balak si Toni Gonzaga na kumbinsihin ang mga fans ni Lady Gaga na huwag tangkilikin ang kaniyang mga musika. Aminado ang dalaga na fan siya noon ng sikat na singer pero habang tumatagal umano ay hindi na siya nagiging kumportable sa mga bagong kanta nito. Hindi niya naman daw pinipilit ang mga tao na maniwala sa kaniyang pananaw patungkol kay Gaga. Si Toni na mismo ang nagdesisyon na ihinto na ang pakikinig kay Gaga dahil nakaramdam siya na personal na hindi pagkagusto rito. Hindi itinanggi ni Toni Gonzaga na minsan na rin siyang nag-perform ng mga music ni Lady Gaga. Paliwanag niya, kahit ano raw ang ilagay sa puso at isipan ay hindi maiiwasan na makakaapekto ito kanilang mga pagkatao.
Iginiit ni Toni Gonzaga na ito ang paniniwala niya sa mga awitin ni Lady Gaga kung kaya umaasa siya na sana ay respetuhin ng ibang tao ang kaniyang pahayag. Nananatili pa rin naman daw ang respeto ni Toni kay Gaga lalo na at kapwa niya ito singer. Naiintindihan daw ng host-actress ang freedom of expression na mayroon si Lady Gaga bilang isang artist. Nilinaw ni Toni Gonzaga na hindi ibig sabihin na huminto na siya sa pakikinig ng musika ng pop singer ay sinusuportahan niya na ang mga Christian group na nagpoprotesta sa singer.
Itinanggi rin niya na hinuhusgahan niya ang pagkatao ni  Gaga dahil wala umano siya sa posisyon para magsalita ng hindi maganda laban sa American singer. Para kay Toni, ang tanging ginawa niya lamang ay huminto sa pakikinig ng mga awitin ni Gaga. Wala rin daw problema kung gusto pang gumawa ng concerts si Gaga sa bansa at gumawa pa ng mga musika dahil hindi niya kayang pigilan ito sa pagpapakita ng kaniyang ekspresyon bilang isang artist. Para kay Toni Gonzaga, hindi pa rin nawawala ang respeto niya bilang isang tao kay Lady Gaga.Â
0 comments:
Post a Comment