Matapos ang kaniyang karanasan sa pulitika ay mas gugustuhin umano ni Edu Manzano na manatili na lang ang anak na si Luis Manzano sa showbiz kesa pumasok pa sa mundo ng pulitika. Kamakailan lang ay  napabalita ang intensiyon umano ng binatang si Luis na pumasok sa mundo ng public service. Kilala ang ina ni Luis Manzano na si Vilma Santos-Recto bilang gobernadora ng lungsod ng Batangas. Diretsahang sinabi ni Edu sa anak na huwag na munang pasukin ang pulitika dahil hindi siya pabor dito. Hindi pa naman sinasara ni Luis ang kaniyang pintuan patungkol sa pagtakbo bilang opisyal ng Batangas. Ayon kay Edu Manzano, masipag ang kaniyang anak na si Luis Manzano at magagawa niya naman umano maglingkod sa mga tao sa pamamagitan ng ibang paraan.
Naniniwala raw si Edu na hindi pwedeng ipagsabay ang showbiz at political career ng isang artista. Aniya, mahahati umano ang atensiyon ng mga tao kapag nakita nila ang kanilang opisyal na nasa pelikula o telebisyon at sasabayan naman ng paghandog ng serbisyo sa publiko. Hindi umano ito kailangan ng tao ngayon dahil lalo na at magkahati pa ang nasyon. Inalala ni Edu Manzano ang kaniyang showbiz career noong 2004 noong naging chairman siya ng Optical Media Board o OMB. Nilinaw ng aktor kay Luis Manzano na sa mga panahong iyon ay ibinigay niya ang kaniyang isang daang pursyento sa pagtatrabaho at tinanggihan ang mga naging offer sa kaniya.
Aminado si Edu na maraming nag-u-udyok sa anak na si Luis patungkol dito. Hindi itinanggi ni Edu Manzano na ang mga udyok ng ibang tao ay nakakataba rin naman ng puso. Pero nilinaw nito na kailangang isiping mabuti ni Luis Manzano ang kaniyang mga isasakripisyo kung sakaling gawin niya raw ang gusto ng mga tao. Hindi rin daw nila pinag-uusapan ng dating asawa na si Vilma ang tungkol sa pagtakbo ng anak.
Para kay Edu, may sarili siyang opinyon at ganun ang ina ni Luis pagdating sa isyung ito. Sa ngayon ay nararamdaman ni Edu Manzano ang mas mahalaga para sa anak na si Luis Manzano. Kailangan umanong isipin ng binatang si Luis ang pwedeng maging resulta at epekto nito sa kaniyang kasalukuyang career. Naniniwala si Edu na buhay ang ibinibigay ng taong bumoboto sa isang pulitiko kung kaya kailangan daw itong palitan ng hindi matatawarang oras at atensyon.
Mas gusto rin ni Edu Manzano na mahanap na ni Luis Manzano ang babaeng magmamahal sa kaniya. Hindi kaila sa mga tao ang relasyon ng binata sa dalagang si Jennylyn Mercado. Nakitaan niya naman daw ng magandang pag-uugali ang kasalukuyang nobya ng anak na si Luis kung kaya wala siyang problema rito. Natutuwa naman si Edu Manzano dahil tila masayang-masaya naman si Luis Manzano sa piling ng kaniyang nobya.
0 comments:
Post a Comment