Lumipat na si Agot Isidro na kilala bilang isang Kapamilya talent sa GMA-7. Ang unang proyekto ni Agot sa GMA-7 ay ang primetime series na pinamagatang One True Love. Ayon kay Agot Isidro, halos dalawampung taon siyang nagtrabaho sa Kapamilya network bilang aktres at singer. Gusto lang daw ng dalaga na sumubok ng bago pero iginiit na hindi siya nagsawa sa kaniyang dating mother station kundi dahil ayaw niya lang matengga ang kaniyang trabaho. Nagpaalam din naman siya sa istasyon na lilipat siya ng GMA-7 at naintindihan naman daw ito ng kaniyang mga kaibigan. Hindi naman humingi ng counter offer si Agot Isidro istasyon dahil ipinaalam niya lang ang kaniyang desisyon sa kanila para gumawa ng proyekto sa GMA-7.
Wala naman daw request na hiningi si Agot sa GMA-7 nang siya ay lumipat dito. Walang problema sa aktres kung bigyan siya ng kontrabida role sa bagong teleserye ng Kapuso network. Aniya, isa siyang artista at responsibilidad niya na gumanap sa iba’t-ibang karakter. Naging maganda naman daw ang paglipat ng aktres sa GMA-7 at napapansin niya ang pagiging maalaga ng mga ito sa kaniya. Umaasa rin siya na hindi naiilang sa kaniya ng mga dating Kapuso talents dahil siya mismo ay kumportable na kasama sila. Nilinaw ni Agot Isidro na wala siyang negatibong nararamdaman sa kaniyang  mga bagong kasama sa GMA-7.
Sa dating network ay per project ang nagiging kontrata ni Agot samantalang sa GMA-7 ay binigyan siya ng pagkakataon na magkaroon ng dalawang taong kontrata. Walang ideya si Agot Isidro kung ilang shows ang balak ibigay sa kaniya ng network dahil mas mahalaga raw ay magawa niya ang pinapagawa sa kaniya bilang isang contract artist. Marami ding nakikita na pamilyar na mga mukha si Agot sa paglipat niya ng GMA-7. Kasama na rito ang ilang mga cameraman, personal assistants at ang direktor na si Andoy Ranay na galing ng Kapamilya network.
Malaking bagay din daw na makakasama niya ang matalik na kaibigan sa kaniyang unang proyekto sa GMA-7. Matutulungan daw si Agot Isidro ng kaibigan na maging pamilyar sa paligid at mga tao sa bagong istasyon. Natutuwa ang aktres dahil alam niyang magiging maganda ang resulta ng kaniyang paglilipat sa GMA-7.. Hindi itinanggi ni Agot na kahit papaano ay nakakaramdam siya ng nerbyos sa kauna-unahang proyekto niya sa GMA-7. Kahit pa nakakaramdam ng konting kaba si Agot ay excited pa rin siya na gawin ito dahil sa bagong karanasan. Gaganap bilang isang kontrabida si Agot Isidro sa teleseryeng ibinigay ng GMA-7 sa kaniya.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment