Hindi makapaniwala si JM de Guzman sa pagtitiwala sa kaniya ng ABS-CBN para sa isa na namang teleserye na kaniyang pagbibidahan. Kitang-kita ang maraming trabahong dumarating ngayon kay JM at maging sa paggawa ng pelikula ay in-demand ang binata. Ngayon ay may panibagong yugto ang kaniyang matagumpay na afternoon teleserye na Angelito, Ang Batang Ama. Umiikot na naman ang istorya sa bagong pakikipagsapalaran ng karakter ni JM de Guzman na Angelito sa naturang serye. Ngayong Hunyo ay inaasahang magsisimula ang teleserye kung kaya excited na ang lahat ng casts partikular na ang binatang aktor na si JM.
Katatapos lang din gawin ng binatang aktor ang kaniyang pelikula sa ilalim ng Regal Films. Â Kamakailan lang ay naganap ang story conference ng bagong teleserye ni JM de Guzman sa Kapamilya network. Agad namang tinanong ang aktor ng mga press patungkol sa nararamdaman nito at isang panibagong proyekto na naman ang ipinagkatiwala sa kaniya ng Kapamilya network. Aminado si JM na noong una ay gusto niya nang magreklamo sa mga sunod-sunod na trabaho dahil nagkakasakit na umano siya na resulta ng pagod. Natutunan naman daw ni JM de Guzman na magpasalamat sa mga biyayang ipinagkakaloob sa kaniya lalong-lalo na sa bagong teleserye na gagawin niya.
Ipinagdasal pa umano ng aktor na si JM ang bago niyang teleserye dahil nang malapit nang matapos ang dati niyang programa ay nabanggit niya noon na gusto niya pa itong masundan. Ang karakter din niya sa teleserye na Angelito ay ang nagbigay din umano ng pagkakataon sa binata na magkaroon pa ng ibang proyekto bukod sa telebisyon. Pinasinungalingan din ng binata ang lumalabas na isyu na mayroon siyang attitude problem sa kaniyang mga kasama sa teleserye. Ayon kay JM de Guzman, wala raw itong katotohanan at maaaring hindi lang daw siya nakikilala nang lubusan ng mga tao sa paligid niya.
Sa ngayon ay mas gusto umanong mag-concentrate ni JM sa kaniyang bagong teleserye at huwag munang intindihin ang kaniyang love life. Nauugnay ngayon ang pangalan ng binata sa dalagang aktres na si Jessy Mendiola. Aminado si JM de Guzman na hindi sila pwedeng magkaroon ng relasyon ng dalaga dahil kumplikado umano ang kasalukuyan nilang estado. Ang ikalawang yugto ng teleserye ng aktor ay magsisilbing pangatlong proyekto niya sa ABS-CBN kung saan gaganap niya ang isang malaking karakter. Hindi itinatanggi ng binata na simula na maging aktor siya ay hindi lang pagiging bida ng teleserye ang binibigyan niya ng pansin kundi pati ang pagiging mabuting ehemplo sa kaniyang mga tagahanga.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment