Malakas ang bulung-bulungan na may espesyal na namamagitan sa pagitan ng dalagang si Rhian Ramos at ng radio DJ na si KC Montero. Una na itong itinanggi ni Rhian kaugnay ng balitang nag-uugnay sa kanilang dalawa dahil sa madalas nilang paglabas ni KC na magkasama. Ayon sa isang taong malapit kay KC Montero, madalas niya umanong nakikita ang dalagang si Rhian Ramos na pumupunta sa opisina ng TV-radio host sa Makati. Bukod dito ay madalas din daw nakikita ang dalawa na magkasama sa iba’t-ibang lugar. Hinala rin ng marami na may relasyon na nga ang dalawang GMA-7 talents.
Nakita rin sina Rhian at KC na kumakain sa Mc Donald’s sa may Alabang Town Center kung saan nakasakay lamang sila sa iisang kotse. Nagawa pa raw umanong pagbuksan ni KC Montero ang dalagang si Rhian Ramos ng pintuan. Samantalang habang nasa Party Pilipinas daw si KC ay tinutukso naman siya ng kaniyang co-host patungkol sa dalaga. Dahil sa madalas na pagkikita umano nina Rhian Ramos at KC Montero ay marami na nga ang nagdududa na maaaring nauwi na nga ito sa isang relasyon.
Hindi naman ito ang unang pagkakataon na napag-usapan ang tunay na ugnayan ng dalagang si Rhian kay KC. Matatandaang lumabas na ang isyung ito nang magkaroon ng pelikula si Rhian Ramos noong Pebrero kasama ang isang pelikula niya na ipinalabas sa Hollywood na The Road. Mariin namang itinanggi ni Rhian ang na maladas sila magkaroon ng date ni KC Montero. Aniya, parati lang daw sila nagkakaroon ng mga meeting na magkasama kaya lagi silang magkasama. Kuwento ni Rhian Ramos, nais niya umanong maging parte ng kinabibilangang kumpanya para sa isang clothing company ni KC Montero kung kaya ang binata ang kaniyang nagiging trainer.
Aminado rin ang dalaga na madalas din silang mag-usap ng binata sa pamamagitan ng Twitter. Ayon kay Rhian Ramos, sa ngayon ay wala pa siyang planong magkaroon ng boyfriend matapos ang kaniyang makontrobersyal na relasyon sa DJ na si Mo Twister na nagkataon din na kaibigan ni KC Montero. Dagdag ni Rhian, alam ng mga lalakeng nakapaligid sa kaniya na nasa estado siya na kaibigan lang ang hinahanap at hindi pakikipagrelasyon. Wala rin daw siyang balak na mamili ng kaniyang susunod na magiging nobyo. Tinturing niya lang umanong kaibigan ang mga lalakeng nauugnay sa kaniya kung kaya pinagkakatiwalaan niya ang mga ito bilang mga kaibigan.
Nakarating naman sa dating nobyo ni Rhian Ramos ang nasabing balitang nauugnay ang dating nobya sa kaniyang kaibigang DJ. Halata naman na nadismaya ang kaibigan ni KC Montero sa kaniya nang malaman ang ugnayan ng dati niyang nobya at ang tinuturing niyang malapit na kaibigan. Aminado naman ang dalagang si Rhian na hindi niya pa kayang patawarin ang ginawa sa kaniya noong ng dating nobyo. Wala rin daw dapat ipaliwanag si Rhian Ramos kung ano ang mayroon sa kanila ngayon ni KC Montero.Â
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment