Habang ang mga estudyante sa siyudad ay abala sa pag-'update' ng kanilang Facebook accounts at pagpapabili sa mga magulang ng latest gadgets, maraming kabataan sa bansa ang malaki ang sinasakripisyo makapag-aral lamang.
Halimbawa nito ay ang nakaaantig na kuwento ng batang si Rizza (Abby Bautista) na araw-araw ay nilalangoy ang dagat makapasok lang eskwela. Bagama't biglang huminto sa pag-aaral ang iniidolo niyang kuya, hindi pinanghinaan ng loob si Rizza upang tuparin ang pangarap na magka-diploma.
Kasama ni Abby sa "MMK" episode sina Arjo Atayde, Abby Bautista, Lito Pimentel, Ana Capri, Makisig Morales, BJ Forbes, at Crispin Pineda. Ito ay sa ilalim ng pagsasaliksik ni Mae Rose Balanay, panulat ni Mark Angos, at sa direksyon ni Rechie Del Carmen.
Huwag palampasin ang isa na namang markadong family drama ngayong Sabado ng gabi sa longest-running drama anthology ng Asya, ang "Maalaala Mo Kaya" (MMK), pagkatapos ng "Wansapanataym."
Para sa iba pang updates, mag log on sawww.mmk.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-"like" ang www.facebook.com/MMKOfficial.
By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment